MAY BAGO NA! OHLALA!
***
Dear master,
Ito na ang blog na pinakahihintay mo. Makulit at demanding ka pa para pilitin na simulan ko na ito, may iyak threat ka pa na nalalaman. Pero wag ka na malungkot. Kasi mas sumasaya ako kapag nalulungkot ka. Alam ko madalas tayong magdebate ngayon, pero siguro ganun nga talaga. Lampas at malayo na tayo sa ligawan stage, nasa differentation at individuality stage na tayo.O minsan sinasayad lang ako. Aysus naman.
Salamat at pasensya na lang muna, master.
Sa mga oras na napapatahimik ako kapag magkasama tayo, wag mo akong gawin parang atm machine, na isang pindot mo lang ng button ay lalabas na ang pera, o kaya ang balance inquiry ng simcard, at wala pang ilang minuto, alam mo na kung magkano na ang nanakaw sayo ng network. Minsan talaga magulo ang isip ko. At madalas naman ay tameme ako. Pero salamat parin, dahil kahit ilang ulit na tayong ganito, wala ka paring sawang tanungin ako: "Ano'ng problema mo?"
Sa mga panahon na bumibigay ang resistensya ko, salamat na din at sinasapian ka ng pagiging albularyo, resta ng gamot dito, reseta ng gamot dun.
Sa mga tantrums mo at tantrums ko, sa mga pagpapalitan natin ng maaanghang na salita:
Ikaw: "De sige, bahala ka dyan!"
Ako: "Talaga."
Ikaw: "Soloista!"
Ako: "Taga-banda!"
Alam mo naman na mas madalas na tayo magka-sungitan kesa mag-mall. Para na lang matapos ang lahat, palagi ka na lang magpatalo sakin, ok? :) Dahil alam ko naman na hindi mo ako matitiis. At oo nga pala, idol daw kita. Dahil para kang si Superman: kasingbilis mag-to-the-rescue, pero hindi kasing-katawan. Na totoo nga, to-the-rescue at kampi ka palagi sakin, tama man ako o may sayad.
At napakagaling mo nga pala sumakay nag-bike. Bakit naman sa tingin mo'y hindi ako hahanga sa mga nagbbike ng walang kamay na minamane-obra? Ikaw lang ang ganun, master! Ikaw lang! Pasapak naman dyan!
Wala na din akong masyadong masabi sayo, paano ba naman kasi, sapilitan itong pinapagawang mong blog mo. Ay meron pala.
Matagal-tagal na din tayong magkakilala. Pero kahit anong akala ko na kilalang-kilala na kita, may mga oras na parang ibang tao ka parin. Hu u? Sa tagal na ng pinagsamahan natin, nakita na natin ang mga pagbabago natin, minsan nakakatuwa, minsan nakapagtataka.
Pero ayos lang yan, kahit ano pa naman sapitin ko, o sapitin mo, alam ko naman na sabay natin hinaharap, tinatalikuran, tinatakbuhan ang mga bagay-bagay. Ni hindi ko alam kung saan tayo dadalhin ng tadhana neto bukas, sa isang linggo, sa susunod na birthday mo, pero sana master, kahit anong mangyari,
hayaan mo na lang na punasan ko ang mala-mantikilya mong noo kapag pagod ka,
Dalhan ka ng tubig kapag inaatake ka ng ubo,
Bilhan ka ng pagkain kapag nagugutom ka,
Ilibre ka paminsan-minsan ng pagkain,
Pagsaraduhan ka ng pinto sa tuwing ikaw ay padating,
Ismiran ng konti kapag magkakasalubong tayo ng tingin.
At sabay nating harapin ang bokas ng naka-bungisngis.
P.S. Ang laki ng tyan mo.
-Alipin
***
INNERPEACEY'ALL!v(-_-)v
No comments:
Post a Comment