REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Friday, December 2, 2011

Pantasya love VS. Realidad love


MAY BAGO NA! OHLALA!

Oooooon this corner, weighing 180lbs., up above cloud9, the super cheesy, ever timeless and romantic love na tinitilian ng karamihan ng mga dilag, is- THE LOST VALENTINE.

Meanwhile, on this corner, weighing the heaviness of the world, wandering the lonely streets around the corner, the lonely, in pain, but still steady, is- CLOSER.

Ladies and Germs, before we start to rumble, let us first know their stories and dramas in life. This is pantasya love vs. realidad love.

***

The Lost Valentine. Istorya tungkol sa mala-fairytale na pag-ibig. In-demand sa mga dilag, paano ba naman, nakakapagpakilig. Tungkol sa pag-ibig na sinubok ng panahon. Pero extinct na kung maituturing. Kasi hindi na uso ang ganito ngayon. Pero ayos ang pelikula na ito, 4 stars dahil napaiyak ako na parang gago. Wala na akong ibang masabi, maganda ang kwento ng pagmamahalan, sa sobrang ganda nakakainis lang.

***

Closer. Istorya tungkol naman sa, ah eh, realidad na pag-ibig. Hindi in-demand pero nauuso. Hindi gusto ng karamihan pero nadadapuan sila ng sintomas. Hindi sakit, pero nakakamatay.

Once upon a time.
May mga mag-irog sa sanlibutan.
Alice at Dan. Larry at Anna.
Sila Alice at Dan ay magkasintahan. Si Larry at Anna ay mag-asawa.
Si Dan ay sinulot si Anna. Naghabol si Alice kay Dan.
Naghabol si Larry sa asawa nya na si Anna.
Hindi nagtagal ang pag-iibigang Dan at Anna. Nalintikan na.
Inaway ni Dan si Larry. Boo-hoo.
Iniwan ni Anna si Dan at bumalik kay Larry.
Naiwan si Dan na mag-isaat tinangkang balikan si Alice, pero bumitaw na sya.


Idetalye pa natin:



Alice at Dan. Larry at Anna.
Sila Alice at Dan ay magkasintahan. Si Larry at Anna ay mag-asawa.
Si Dan ay sinulot si Anna. Naghabol si Alice kay Dan.
**
Dan: I fell in love with her, Alice.
Alice: Oh, as if you had no choice? There's a moment, there's always a moment, "I can do this, I can give into this, or I can resist it", and I don't know when your moment was, but I bet you there was one.
Dan: This will hurt.
Alice: No one will ever love you as much as I do. Why isn't love enough?

*Sa bawat relasyon may mga taong pilit magsasalba sa pag-ibig. La desperada, El desperado. Simple lang yan e, isipin mo nasa safari adventure kayo sakay-sakay sa iyong swabeng 4x4 na bmw(kung meron man), at kapag nagkaipitan na at napalakbay kayo sa rocky road village, pansinin mong maigi, sino ba ang kakapit ng mahigpit sayo para hindi ka masaktan, o sino yung bibitaw na lang sayo at iisipin ang sarili at kakapit ng mahigpit sa sasakyan?

Naghabol si Larry sa asawang si Anna.
**
Larry: But we're happy... Aren't we?

*Aakalain mo masaya kayo, hanggang sa unti-unti na lang isasampal sayo ng sinta mo, "Dude, pare, may iba na ako." (cue LBM, kumaripas ka na sa banyo.) Baka hindi ka nagkulang, baka nagkulang ka, baka sarili mo lang iniisip mo at wala ka ng panahon sa kanya. Ang labo, parang begginner na maglalaro pa lang for the first time ng sudoku. Math ba paiiralin ko o emosyon?


Hindi nagtagal ang pag-iibigang Dan at Anna. Nalintikan na.
Inaway ni Dan si Larry. Boo-hoo.
**
Dan: You'll hurt her. You'll never forgive her.
Larry: Of course I'll forgive her. I *have* forgiven her. Without forgiveness we're savages. You're drowning.

*Hindi lang katotohanan ang magpapalaya sa isang tao. Ang mga taong labis na nasaktan, pagpapatawad lang ang kelangan. Minsan nakakatulong ang kain-all-you-can, minsan shopping. Pero pa-girl ang shopping, magpatawad ka na lang, libre na, surebol win ka pa.


Iniwan ni Anna si Dan at bumalik kay Larry.
**
Dan: You've ruined my life.
Anna: You'll get over it.

*There's gotta be more to your buhay-buhay. Stage lang yan na nalampasan mo, may extra buhay ka pa. Pasalamat ka na lang tapos na. Gawin mo na lang memorabilia ang sakit, gawing necklace, at tawagin ang sariling survivor. Hellyea!


Naiwang mag-isa si Dan at tinangkang balikan si Alice, pero bumitaw na sya.
**
Alice: I don't love you anymore.
Dan: But I love you.
Alice: Where is this love? I can't see it, I can't touch it. I can't feel it. I can hear it. I can hear some words, but I can't do anything with your easy words.

Goodbye.


Pagmamahalan. Lokohan. Hiwalayan.
Gulong ng palad. Karma. Konsensya.

Napakulay ng iyong buhay pag-ibig.

***



And the winner is- CLOSER!
Let's give a round of weeping, fellas!

INNERPEACEY'ALL! v(-_-)v

1 comment:

Anonymous said...

Napakagaling mo magsulat idol!!