REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Saturday, November 26, 2011

OY, LEYTE!

At bumabalik balik lang talaga ako sa pagsusulat para magkwento ng mga bagay-bagay na hinding hindi ko magawang ikwento sa ibang tao, nang walang nangyayaring interapsyon, kanilang opinyon, kanilang critic, kanilang taas-kilay look, at kanilang sabat na "Say whuttttt?!"

Minsan kasi hindi mo na kelangan ng opinyon o sagot, minsan kelangan mo lang ng tagapakinig, taga-unawa. At minsan, mahirap talaga makahanap ng taong ganun.

Nga pala, may kwento lang ako sa inyo(kunwaring may tagabasa nga talaga ako dito).

Kinalulugmok ko talaga ang araw ng lunes sa 1 hebigat na dahilan: Madaling araw pa lang luluwas na ako ng Maynila. Pero ang lunes ng Nov. 21 ko, walang hebigat akong naramdaman. Mapapadpad na naman ako sa ibang lugar.

Hoy, Leyte, ako nga pala si KT.

12 % ng katawan ko tinatamad, pero ang 88 % ng kalooban ko masaya. Hindi ko alam pero kapag napapalayo talaga ako sa siyudad, bukod sa pakiramdam ko taong promdi ako e aliw na aliw ako kapag iniisip ko na makakalayo ako ibang bagay o tao, parang eskapo. Pero wala naman akong kawala kasi 5 araw lang din ang eskapo ko. Sino ba naman kasi niloloko ko, parang kay pareng Chuck lang na kasabihan yan e.

CHUCK: "Kung magising ka ba sa ibang lugar, ibang oras, ibang tao ka na ba paggising mo?"
KT: "Wish ko lang."
CHUCK: "Neknek mo! Asa ka no!"

And I lived happily(kuno) ever after.
**
Sa airport pa lang, panalong eksena na ang nangyari. Kasi daig ko pa ang magtitinda ng streetfood kasi hinding hindi ko maiwanan ang payong ko. Kaya sa ilang beses ko ng dayo sa NAIA, hindi takaga pumalya na nakakalimutan kong i-check-in ang payong ko. Kaya ayun:

Kuya sa may Scanner: "Miss, may payong sa loob ng bag mo."
KT: "Hala*kunwaring nakalimutan tone*" "Ehh, kuya, ayokong mag-let go!"
Kuya: "Hmmm. Sige na nga, isang smile muna!"
KT: "Sus! Kahit bungisngis pa!"

Bola man ang dating, nakuha ko parin naman ang gusto ko. Isang ngiti lang pala ang gusto mo, kuya.
**

Fast forward na natin ang kabuuan ng pamamasyal ko sa Leyte. Naalala ko ang mga payo ng ibang tao sakin, na wag akong mag-suplada o mag-sungit sa mga tao dun, kasi mga seryosong tao ang andun. Hooray para sa stereotyping! Pero ang totoo, gusto ko ang mga aura ng tao sa Leyte: independence, straightforward, balanse(drama at kwela, petiks at trabaho).

Yang mga yan din naman kasi ang dapat na katangian ng tao, seryoso, matibay at totoo. Mga katangian na saka ko lang napansin sa Leyte. Ang ilang hindi ko pa alam, pero madami pa din akong dapat matutunan sa lugar na ito. Kailangan ko pa ang umeskapo ng todo.

P.S. Masarap ang Binangol at Moron sa Leyte. Sayang hindi kami nag-apir ni Mc Arthur. Next time na lang.

INNERPEACEY'ALL v(-_-)v

1 comment:

Anonymous said...

Nakalimutan mong ikwento dito ung mga kagat ng insekto na di naten malaman kung ano pati na ang ating pagtakas sa eat all you can buffet kasi takot tayong magbayad ng sobra dahil di naten maubos ang sangdamakmak na pagkain na kinuha naten. :D Nonetheless, cheers at magkasama tayong nakilala ang Leyte! :D "Til our next trip! :P