REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Saturday, November 13, 2010

LUTANG

MAY BAGO NA! OHLALA!

"Inabot na ng alas-nueve ng gabi ang aking kahibangan, at dinaan ko lang sa sandamakmak na pagkain ang aking mga baon-baong pagod. Sa dinami-dami ng mga ginagawa, ni ang pag-aayos sa sarili ay hindi ko na nagawa. Kung sabagay, hindi ko naman ugali ang mag-ayos ng sarli. Dyahe na kung dyahe, hindi ko na iniisip ang ayos ng aking sarili.

Inabot na ng alas-nueve ang aking kahibangan, hanggang sa nakita ko siyang unti-unting naglalakad papalapit sa akin. Lumang istilo ng panliligaw man sa paningin ng iba ang pagsundo niya sakin tuwing gabi, hindi ko na iyon inaalala. Kahit kelan hindi naging luma sa akin ang mga istilo niya.Sa bawat porma at aktong pagiging sira ulo niya ako'y mas napapahanga.

Inabot na ng halos limang minuto ang aming kahibangan, nang niyaya ko siya sa isang inuman. Nilunod sa alak ang lahat ng bagay. Ako, siya, at ang mga istranghero't istranghera sa paligid lamang ang naging saksi sa mga sandaling nawala ako sa hwisyo. Nawala sa hwisyo sa piling niya. Ah, ganito pala ang pakiramdam ng isang lutang. Halos benteng taon na akong nabubuhay sa mundo at ganito pala ang pakiramdam na parang ang lahat ay umiikot sa paligid mo, tropang trumpo.

Inabot na ng halos ilang minuto ang aming kahibangan, nang pinagbawalan ko siya na pigilan ako sa aking kalasingan. "Minsan lang 'to..." ang sabi ko pa, sa ilang bote lang, nilunok ko rin ang aking kayabangan.

Inabot ng ilang oras ang aming kahibangan,
Ang sandaling puros alak, liempo, hamon at keso,
panghimagas na tawanan lang umikot ang pinagusapan.
Bawat detalye ng sandaling yaon, hindi ko kinalimutan.
Sa kaisa-isang sandali kung saan ako'y natutong maglasing at kumawala,
kumawala sa mundong mapanlinlang at puros problema ang hatid.
At dumaldal.


Dahil inabot lamang ng ilang sandali ang aking kahibangan,
kasama ng taong iniisip kong magiging aking kakampi sa lahat ng bagay,
sa lahat ng oras,
sa lahat ng sandali.
Isang bahagi ng aking magandang panagimpan."


...



No comments: