At umulan na nga ang limpak na limpak na salapi sa bahay ng nanalo sa lotto. Halos umabot na sa isang bilyon ang uulan na datung ngayon sa bahay mo, mr. milyonaryo. Ano kaya ang naramdaman mo sa pagkakataong nalaman mo na ikaý isa ng milyonaryo? Sana lang sa mabuting paraan mo gamitin ang iyong biglaang kayamanan.
Pero sige, baligtarin naman natin ang ikot at pwesto ng mundo, kunwari na lang muna ako ang nanalo. Konting pantasya na lang muna ito.
Kunwari at ako ang nanalo sa lotto.
Tumaya na ako gamit ang aking mga pamatong numero: 01, 07, 11, 16, 28, 50. At makalipas ang ilang araw at LBM, nanalo nga ako. Nakarating ang balita sa akin: una sa pagtawag, at halos ilang minuto kong hindi naramdaman ang aking sarili. Pangalawa: sa pamamagitan ng liham, na sa sobrang galak at tuwa ko ay halos ampunin ko na ang mailman. Pangatlo: nagtungo ang ilang mga tauhan ng PCSO. Isinusumpa ko, pagpasok nila sa sala namin maluha-luha na akong maituturing.
At saka na naimbento para sa akin ang salitang 'confused.' Kasi anak naman ng tipaklong, ano na ang pewpwede kong gawin sa perang halos kaya na akong buhayin pati ng aking magiging apo? Kung maiimpluwensyahan ako ng anghel, malalagay sa matinong mapaglalagayan ang kagimbal-gimbal kong kayamanan:
1. Ipapmimigay sa pamilya at kamag-anakan na bigla na lang dadami ang bilang
2. Pang-donasyon sa ospital, eskwelahan, mamamayan, kaibigan, na kagaya ng kamag-anak ay dadami na din ang bilang. Yung tipo na:
Jefferson: "KT, ako ito! Si Jefferson! Kaibigan mo nung grade school!"
KT: "Ang alam ko kaklase lang kita nung gradeschool?"
Jefferson: "Hiniraman mo ako ng pencil noon!"
Shirley: "Hey, KT! Remember me?" *makes pa-cute look*
KT: "Di eh? Sino ka ulit?"
Shirley: "Friend ako nung friend mo."
Allie: "HI!"
KT: "Di kita kilala!"
Allie: "Ako din. Basta ang alam ko mayaman ka na."
KT: *hands over the money*
At kung maimpluwensyahan naman ako ng kampon ng kadiliman, ito ang maari kong gawin:
1. Bilhin ang National Bookstore na branch(kahit saan)
2. Bumili ng lupa
3. Upahan maging butler si Brad Pitt
4. Gawing holiday ang aking birthday
5. Makipagbonding kay Paris Hilton
6. Araw-arawin ang pagtambay sa starbucks
7. Isama sa mamahaling resto ang mga nang-aaway sa akin at ilibre, eat-all-you-can, INYOFACE
8. Higaan ang pera
9. Maglugmok sa paglalakwatsa
10. Tumambay sa tuwina
...
---
Habang nililista ko ang mga pepwede kong gawin sa ilalim ng masamang impluwensya bigla akong nawalan ng gana at tinigil ko na. Sa maniwala kayo o hindi mas umaapaw ang mga gawain at plano ko kapag pang-makasarili na lang ang takbo na isipan ko. Oo nga at ako ang nanalo, ako ang naghirap pumila at taimtim na nagisip ng mga numero. Pero kapag milyonaryo na ako, hindi pala dapat ganito ang ugaling ipairal ko. Siguro kaya hindi rin ako mananalo sa lotto, kasi ganito ang takbo ng pagiisip ko. Sa luho lang mauuwi ang kayamanan na aapaw sa bubong mismo ng bahay ko. Baduy, eh-mo.
Sa ngayon nga may umaapaw naman bubong ng bahay ko, hindi man pera kasi ulan ito, gayunpaman tinuturing ko parin na biyaya galing sa langit ang ulan na ito. Mayaman na naman siguro ako sa pagiging kuntento. Magmu-move on na ako sa ilusyon na ito.
tinining-tining (repeat 3x)
Para sa nanalo ng lotto,
Ayoko sabihing maswerte ka o hayup magkatyempo sa mga numero. Ang alam ko lang, nanalo ka kasi alam ng nasa taas na pwede mong gamitin ang kayamanan na yan dahil MAS maganda at mabuti ang intensyon mo sa paggamit ng premyo. O sige, congrats na din. Happy Shopping!
P.S. Tumatanggap ako ng konting abuloy at balato galing sayo. Seryoso.
INNERPEACEYÁLL! v(-_-)v
No comments:
Post a Comment