Bangon, Pinas! Bangon sa iyong pagkakadapa, bangon sa iyong pagkaka-goyo, pahkakahirap, pagtitiis...
Ang linyang ito ay hatid sa inyo ng paracetamol. Kasi ang mga matatamis na linyang dala ng mga kandidato, sakit sa ulo lang ang dulot sakin. Iba-ibang bersyon, iba-ibang timbre ng boses, iba-ibang hiret, iba-ibang kulay ng damet.At sa mga makakabasa nito, wala lang sanang asar talo. Bati tayo. Purong opinyon ko lang ho ang nandito.
Utang na loob naman, Juan. Pansinin at aralin mong maigi ang iyong pinipiling kandidato.
Tingin mo tama ang sinasabi ni ponkan na sipag at tiyaga ang ating kelangan? Hindi na nakakapagtaka yon, kita mo naman ang estado ng kanyang pamumuhay, nagmamay-ari lang naman ng malalawak na lupain, yung sobrang lawak hindi na maaabot ng aking paningin. Pero kapag tinanong, "San ba lahat ng yan, nanggagaling?" "Sariling sikap, sariling pera lang." Ultimo sagot, malawak. Dumadami ang suporta, dumadami din ang kumokontra. Ang labo din ni ponkan, kaya kinalaban din siya ng isang kapwa niya ponkan.
Kasi ang hirit naman ng isang ponkan na ito, kapag siya ang naging pangulo, ginhawa ay panigurado. Nek nek niya lang kamo. Ano, Juan. Papaloko ka na naman ba diyan? Diba pinatalsik mo na siya noon? Oh bat ngayon pumapangalawa na siya sa mga taong bayan? Nasa huwisyo pa ga ang iyong mga kababayan? Kung ganiyan din lang ang kalalabasan, papayag na ako na magkaroon ng dayaan, wag lang sana maulit ang tulad ng dati. Mauwi lahat sa pagsisisi.
Maiba ako, sa halip na magsisi may isa namang kandidato, todo ngisi, umaangat sa mga serbeys, lumalamang sa botohan, nasa tuwid na daan. Ngayon, sa pangako niya naman na hindi siya magnanakaw, sige dagdag pogi points na yon para sa akin, pero paano naman ang ilang nasa gobyerno? Ang pangangati ba nila sa pera, kontrolado mo?
At magtungo naman tayo sa luntiang grupo, kung saan pambato niya ay talino. Talino ba kamo? Nagdaan na ang ilang matatalinong pangulo, kagaya ni Marcos at Arroyo, pero ano'ng nangyari, bumagsak na ekonomiya, naghihirap na pamilya, at mga pamumunong pumalya.
Pansinin mo din, Juan, ang mga ibang kandidato, may lakas ng loob magpatuloy sa pagtakbo, sariling sikap at galing sa pagpapakilala sa sarili sa mga tao. La Independencia.
Galingan mo sa pagboto, Juan. Dahil alam ko isa kang mabuting mamamayan, kitang-kita mo ang kabulastugan ng mga namamahala, pero napili mo parin magpasailalim sa kanilang kalokohan. Nabingi at narindi ka na sa ilang pangako, pilit na umaasa sa pagbabagong matatamo.
Ganito magbigay payo ang taong hindi boboto. Malamang masasabi mo na hindi ako mabuting mamamayan. Ano ba ang basehan? Ilang dekada na din naman ang dumaan, ganito parin ang bansa natin, lugmok sa kahirapan. Sa dasal ko na lang siguro idadaan.
Sa kung aling anggulo ang hirap talaga pumili ng matinong kandidato, kasi kung tutuusin ang pepwedeng kalabasan, talo parin tayo, naloko. Pero wala naman talaga akong karapatang magreklamo ng ganito, hindi naman kasi ako boboto. Para ano ba ang magagawa ng boto ko, nawalan na ako ng gana, nalipasan ng gutom. Ang Pinas kasi, pangalawa na sa pinakakurakot na bansa sa buong mundo. Sige, sikat na tayo. Yahu.
INNERPEACEY'ALL. v(-_-)v
No comments:
Post a Comment