MAY BAGO NA! OHLALA!
Jejemon lagnat kasi jejemon fever. Hep, wag ka ng magreact. Korny talaga, alam ko. Pero wala ka na magagawa. Ganiyan talaga. Ajejejeje!
Noong unang panahon biglang sumulpot sa generasyon ng katauhan ang pagiging isang jologs. At noong unang panahon na ito rin natutunan ng tao kung paano maging magalang, maging mapagkumbaba, maging maalalahanin, at maging, ehem, pakyut. Ang panahon ng JEJEMON DYNASTY.
JEJEMON LAGNAT. Ngayon-ngayon na nga lang sila nabigyan ng ganyang tawag. Oh kay tagal siguro nilang hinintay ang pagkakataon na iyan, opisyal na pangalan, samahang walang iwanan, frat ng maramihan, mananatiling jejemon sa isip, sa salita, at sa gawa. Ajejejeje.
Ngayon lang sila sumikat ng husto pero noong nasa mataas na paaralan pa lang ako, laganap at talamak na ang sintomas kung saan ang isang tao ay isang jejemon na. Ang ilan kong mga kaibigan, ganyan na ganyan noon, pero ngayon, nanggagalaiti na sa inis sa tila jologs sa kanilang paningin o pandinig. Nahihiya lang akong sabihin na "Asar ka, pare. Ganiyan ka rin dati eh." Pero wag na lang, isasalba ko na rin ang kanyang kahihiyan. Salamat na rin lang siya at ang iba ay natauhan.
Nadala lang siguro ang ilan kong mga kaibigan na to sa agos ng buhay. Pero ako, hinding-hindi nagpadala sa agos ng buhay lalo pa at ganyan lang naman, haLeRR!! aSa pHa nMn nOh..!
Dahil sa maniwala kayo o sa hindi, na alam ko naman ay hindi, hindi talaga ako mahilig sa ganitong usapan, at hindi napabilang sa tila baby talk at pakyut na usapan, simula noon at magpakailanpaman, cross my heart and hope the chismosas die..
eOw Pho!!
uZtAh na pHO!!
mAmatzzSS!!
wER na yOuu?!?
*inom ng dizzitab
No hard feelings para sa mga jejemon diyan. Hindi naman ako galit sa inyo, hindi rin ako kabilang sa mga tao na baka bukas o makalawa, mag-rally na lang sa tapat ng MalacaƱang at ipakilong ang mga tulad niyo. Hindi naman kelangan humantong sa ganun ang kaguluhang ito. pEace phO tYoo!!!
*syet ang hirap ng ganito.
Ang ayoko lang sa sakit na talamak na ngayon ay ang pag-uugali ng tao, kung saan ano ang uso, lahat ng tao makikigulo. Ganito lang siguro ako magsalita dahil laos at wala sa uso kung umasta ako. Wala naman kaso sa akin yon. Wala talaga sa sistema ko ang pakikisabay sa uso. Madalas lang talaga, hindi ako katulad ng karamihan sa inyo. Solb!
Ang ayoko lang sa sakit na talamak na ngayon ay ang sakit sa ulong binibigay nila sa akin, habang pilit kong iniintindi ang kanilang mga nais na iparating. Nakakasira ng bait, oh anong lenggwahe ba yang iyong ginagamit?
"...hAyss.. mAh gurL,, yAbYHU sO mAtZ.. bEybHIIee_529873487162 x 428346!
<=beYbHiee_bOy(09)=>..."
O sige, I love you lang pala ang nais niya iparating, sana lang hindi sakit sa ulo ang binigay mo sa irog mo. At ang dapat talaga sa mga ganitong usapan, personal na lang, sa kapwa mo na makakaintindi sa iyo, yung sigurado. Ayoko lang may mawrongsend sa akin ng ganito. Baka magpalit na lang ako ng numero.
Pero sa bawat sakit na dulot ng dinastiya na to, natutunan na rin naman ng tao ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa, wala na akong problema sa aspetong ito. Basta walang gulo, ayos tayo.
"...kumAin na pfOu yOu?!!!..."
"...sLiP kNA pOhh,?."
"...mAmAts pOH!"
Inabot ata ako ng 3mins para sa pagttype lang ng mga pangungusap na ito.
Dear Jejemon,
Ako talaga'y hindi para sa iyo. Alam ko naman na naiintindihan mo. Hindi talaga tayo talo. At kung hindi ka man maintindihan ng ilang mga tao, pabayaan mo na, andiyan naman ang mga kapwa mo jejemon, kayo-kayo na lang muna ang magdamayan. Ayos ba? Oh, ngiti muna diyan. Ajejeje!
-=kT_9538!hAnep!!=-
iNnERpeAcey'AlL! v(-_-)v
No comments:
Post a Comment