Thank you for using WordPress.com, your blog has been deleted. Happy trails to you until we meet again.
Eto na naman ako. Inuunti-unti ang pagbubura ng ilang mga kalat dito sa mundo ng cyberspace. At pagkatapos kong burahin ang ilang munting alaala, naantig ako sa huling pangungusap na nabasa ko. It says: "Happy trails to you, until we meet again."
Mabuti pa ang walang buhay na 'to, matino at mahusay magpaalam. Mabuti pa ang walang buhay na 'to, maganda ang mithiin na binibigay sayo. Mabuti pa ang walang buhay na 'to, kahit konting atensyon at alaala lang ang binigay ko sayo, hangad mo parin na magkrus tayo ng landas, na kahit sa landas na 'yon ay di man kita makilala, siguro aabangan at aasahan mo parin na tayo ay magkatagpo, muli.
Dear blog,
Salamat, sa halos 1 taong pagtitiis sa mga kwentong puno ng intriga at drama, sa iilang mga entry na tanging sayo ko lang nailagay, syempre, special ka e. Pero ngayon burado ka na. Isa ka na lang munting alaala.
Natapos na ang paglilingkod mo sa akin, at tulad ng ilang madadramang pelikula kung saan nagkakahiwalay ang mag nobyo't-nobya, we must go our seperate ways. Tara let's move on. Goodbye, adios.
Mabuti ka pa. Pero hanggang dito na lang talaga. Paalam, hanggang sa muli.
INNERPEACEY'ALL! v(-_-)v
No comments:
Post a Comment