REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Friday, April 23, 2010

TENKS

MAY BAGO NA! OHLALA!



Salamat ng sobra.



Kapag salamat, salamat. Nagpapasalamat. Salamat. Paulit-ulit lang ang eksplanasyon na masasabi ko dahil wala naman akong ibang maisip kung hindi sa isa, salamat. Sobrang salamat. At dahil na rin sa kapakanan ng ilang tao na naguguluhan at nalalabuan pa rin sa mga pinagsasasabi ko, sige magpapaliwanag ako. Isang mahaba-habang paliwanagan ata kasi ang gusto niyo eh. Hindi ko ito ipagkakait sa inyo. Alam mo naman na mahal kita e. segway.



Nagpapasalamat ako dahil sa nilabo-labo ba naman ng naganap sa buhay ko noon, ay ngayon ko pa lang nakita at naintindihan ang ilang mga bagay-bagay na naging sagot sa mga malalabong pangyayari sa buhay ko noon. Malabo diba? Kaya nga malabo e.



Alam ko umay na kayo sa kwento ng buhay pag-ibig ko noon, pero dahil na rin may kuneksyon ang kwento kong iyan sa kabuuan ng entry na ito, okay lang ba na maumay ulit kayo ngayon? Sige na, saglit lang naman.



Dahil sa buhay pag-ibig ko noon, napuno ng certificate at trophies ang buhay ko, oskar's award for being martyr, martyrdom queen, lintik na pag-ibig award, 2009 emo's choice award. Dahil ganiyan naman talaga kapag pag-ibig. Kung umibig ka na naman, maiintindihan mo ang salitang sakripisyo. Kung babaeng mangingibig ka naman maiintindihan mo ang salitang maunawain. Kung si KT ka naman maiintindihan mo ang maging mapagparaya. Wahaha.



At hindi lahat kaya kong intindihin, pero may mga bagay na kaya kong tanggapin. Noong iniwan ako ng taong mahal ko, bumaba ng ilang puntos ang IQ ko.



Ang maarteng tanong na ibinato ko sa kanya: "Ayaw mo na ba sakin?"



Walang matinong sagot na ibinigay sa akin, lahat malabo, lahat magulo, may ilan na maloko. Walang direktang sagot akong natanggap.



At ang maarteng sagot na ibinato niya pabalik sakin: "Maghanap ka na muna ng iba, hindi ko siya maiwan..."



At simula noon hindi ko na siya kinwestyon, hindi ko siya pinigilan sa kanyang pang-iiwan. Kahit gaanong gulo at sobrang labo ng pangyayari, nagparaya na ako. Hindi ko man naintindihan natutunan ko naman tanggapin ang mala-MSGng pangyayari. Kinalma ko ang sarili ko at ang aking kapaligiran, at hindi ko na hinanap ang sagot ilang mga bagay.



Kasi makulit si papa God. Kaya makulit na sagot ang binigay niya sakin.
Isang irog, malokong tao, hawig ni Dennis Trillo, pag-big na panibago.

Papa God: "Laban o bawi?"
ako: "Maka-dos po ako?"
Papa God: "Laban o bawi!"
ako: "Laban na ser! Ipaglalaban ko na ito."


Dahil ganon lang kasimple ang sagot kung itatanong ko man kung bakit naumay ang naunang pag-iibigan? Para sa isang bago at mas magandang samahan. At saka ko mas lalong niyakap ang mga sakit na naramdaman ko noon, saka ko tinanggap at saka mas nagpasalamat sa pansamantalang pighati.

Hindi man ako sigurado sa kahihinatnan nito, pero sa pagkakataong ito, ayoko na ng bigong pag-ibig round two.


Tenks. Sobrang saya ko sa piling mo.









INNERPEACEY'ALL. v(-_-)v












No comments: