Hindi ko alam kung sino ang nagumpisa o kung sino ang may tiyaga para ipagpatuloy ang ganitong uri ng pagkahumaling. Hindi ko alam, kasi ang tanging alam ko lang, nag-umpisa ang lahat sa isang makabuluhang HOY. Ehem. Swabe. Para sayo to, kid.
September **, 2009 *HOY
Bago pumunta sa aking panggabing klase, naging ritual ko na ang tumambay sa computer shop at mag fb. Halos ilang minuto na akong babad sa computer, and I was just checking for everybody's updates, unbelievable. At may bumulilyaso sa pagkahibang ko.
chat sa fb*
he said: HOY!
Okay. Exis Riego de Dios. Sino ka? Why did I even accept this guy, I didn't even know him. Had someone's been hacking my account? Di bale na nga, bagot na ako.
HOY ka din!
Wala na akong masabi, and daldal mo pare, I'm bored, I will leave this idle talk before I get sleepy. Pero hindi. Nagpakitang gilas siya with all his fb-emoticons.
At hindi na ako nag-atubili pang itanong kung "Pano yan?" Can you spell ELIBS? It's K and T.
Checked his account, back then, we had 3-4 similar friends. Okay, that was cool.
---
September 12, 2009 *You again?
he left a wall post on my wall
he said: "Eh bakit ka nagout agad!! daya mo!! nag-aaway pa tayo e.. hehehe.."
I replied: "Tutuloy natin yan." Gaah!
---
September 14, 2009 *War is on.
he left a wall post on my wall. Again. Are we close?
"Eh hindi ka nmn nagonline eh.. panu tyo nyan magaaway.. sus.."
Now he's being creepy. Teka, ano nga ulit ang itsura neto? *checks his account for the nth time.
Not bad, he looks silly.
---
September 21, 2009 *Testing
chat sa fb*
Exis: "Penge nga ng katext..."
Sorry. Hindi ako namimigay ng basta-basta. Sige, random.
me: 0927-RANDOM, 0915-RANDOM
Exis: "Wala naman sumasagot eh!"
me: imbento yan e. *evil laugh Hey, akin na lang number mo.
Exis: "siro nayn tu seben..."
me: "Uso na ang number keys."
Exis: "Ay! 0927******."
me: "Sige alis na ako."
wala pang 5mins... Testing.
---
October 15, 2009 *Asaran at first sight.
Umaga at ang gumising sa kanya ay pagtunog ng kanyang cellphone:
mensahe1: ginintuang utos: "Ikaw ang magdesign ng cart for the merchandise, send it asap. Kaya mo ba?"
There was no choice. "Sige, send ko asap." Desperada me. Mission Impossible. Tinanong ko lahat ng kakilala ko, "Hasa ka ba sa photoshop?" They all answered: "Hindi. No." Isang malaking ekis at fail at pinaskil sa mukha ko. Hanggang sa isang lightbulb moment:
"Oy, baka naman pwede mo akong sendan ng samples ng mga room na nagawa mo. Please." Did I just say 'Please?'
Exis: "Di pwede, confidential yun e.."
At the back of my mind, "DAMOT!" But in reality, I said: "Ah. Sige salamat na lang. Kelangan ko lang e."
Exis: "Gusto mo mamaya gawa tayo, hanap ka mamaya g comp shop na may autocad para pagpunta ko diretso na tyo dun.."
Okay? Ah, eh, okay? I was dumbfounded.
at around 3pm
Exis: "Andito na ako sa gate **, sa may simbahan..."
me: "Teka, papunta na." I wasn't. I was just starting to search for computer shops.
---
me: "Sang gate nga yan? Dapitan pa lang ako."
Exis: "Gate **!! sa may simbahan!"
--
Exis: "Asan ka na?"
--
Exis: "Punta na lang ako Dapitan asan ka?"
me: "Malapit na ako sa gate **."
At ramdam ko ang inis niya. Ramdam ko lang. Sino ga ang di maiinis. Wahahaha. I know, I'm a bullshitter, orayt.
--
Exis: "Sige balik ako diyan!" *%@!#@!!!
--
gate**.
Naghintay ako sa may gate. Umupo. Nagmasid. Natulala. Hanggang sa...
kuya guard: "Miss! Miss!"
me: *lumingon sa may gate
kuya guard: "Kasama mo ba to?" *nakaturo sa kanya
me: * napatingin sa kanya, natawa. Wait, natawa? Oo. Natawa, pigil na tawa. And there he was, natawa din. What the fun.
*tumayo ako sa inuupuan ko at lumapit sa kanila
"Oo kuya, kasamahan ko siya, kuya ko."
Exis: *shocked. KUYA?
me: "Ah sige kuya, una na kami(Exis) ha?"
--
Exis: "Badtrip!" *punas ng pawis sa noo
me: "wahahaha. Bakit?"
Exis: "Eh ang inet sabi ko kanina andun na ako sa gate ** e tapos pumunta pa ako Dapitan tapos bumalik ulit!"
me: "Di ko kabisado ang mga gate dine e?"
Exis: *tumingin sakin natawa "Anak ng! Taga dito ka di mo alam ang mga gate!!"
me: *chill ka lang, pre. "Eh di ko saulo e, sorry na."
Hindi ito ordinaryong eksena, kung saan:
Exis: "Luis Alexis..." *iaabot ang kamay, cue shake hands.
me: "KT na lang sakin..." *pungay ng mata, kilig to the bones.
NOT.
Walang kilig, walang sparks, puros asaran at ligaya lamang. Hindi ko alam kung bakit walang kilig o hiya man lang akong naramdaman.
--
Exis: "Nakahanap ka na ng comp shop?"
me: "Ah.. Wala dito nun eh! Naghanap na ako, 3 computer shops." *Pero ang totoo 2 pa lang napagtatanungan ko. So what. Haha.
--
sa timeline*
Exis: "Kuya may autocad kayo?"
Kuya: *sa akin tumingin "Wala eh."
Exis: "Kahit saang computer dito?"
Kuya: *sa akin parin nakatingin, "Kung gusto niyo iddownload pa namin, kaso matagal, akin na lang number mo tetext kita maya.."
Exis: *hawak sa aking balikat--NOLI ME TANGERE!
"Sige hanap pa tayo ng iba." "Salamat na lang kuya."
sa asturias*
Exis: "Pano na yan aalis na ako maya-maya."
me: "Bakit?"
Exis: "May interview pa ako e, diba?"
me: "Yae na lang."
Exis: "Ganito, balik na lang ako mamaya pagkatapos ng interview, tapos maghanap ka muna ng comp shop..."
me: "Seryoso?"
Exis: "Oo nga. Paiwan muna ng bag ko at jacket sa dorm mo." *ngiting aso
me: "Ay caramba!"
--
papuntang simple life, carpark around 3:20pm
me: "Tara ililibre na muna kita, milk tea."
Exis: "Sige!"
me: "Tara!" *Tss. mukhang libre to.
--
me: *kumuha ng straw "Oh straw! Pink, white, o sayo ang pink!"
Exis: *nagtaka "Bakit sakin ang pink?"
me: "Ayoko ng pink e."
Exis: "Bakit?"
me: "Ang gay."
Exis: *tumingin sakin, pinigilan ang tawa.
--
Dapitan street, nag-aabang ng jeep, around 3:40pm
*tatawid
me: "Taykalang! Wait!" *hinila ang manggas ng damit ni Exis
Exis: "Ano! Wahahahaha! Tatawid lang e. Sumenyas ka, ganito oh!"
*pag-abang ng jeep
Exis: "Tetext na lang kita maya a."
me: "Sigi lang" Background music cue: Babay na, aalis ka na...
Concepcion st., around 6:18pm, pang3 computer shop
Exis: "Dito, natanong mo na dito?"
me: "Ah, wala yan diyan!"
Exis: "Sus!"
*pumasok sa computer shop
Exis: "Kuya may autocad kayo dito?"
kuya: "Meron, isa lang..."
Exis: *napatingin sakin...
me: *inosente look
Salamat sa pagsisilbi, aking super-exis. At dahil diyan ililibre kita ng pagkain, tutal mukha ka naman libre e.
XIE XIE. :)
--
October 16, 2009 *Huling hirit
around 6:12pm, habang naghihintay ng klase, tumunog ang cellphone ko,
Exis: "Dadaan ako diyan Uste.."
me: "Oh, bakit?"
Exis: "Eh uuwi na din naman ako samin e, daan na lang din ako diyan."
Swabe.
--
sa Binalot, around 7:14pm
Exis: "Libre ko na ah."
me: *libre ba kamo? ngiting aso
---
---
Pasensya na kung hindi ka nakarelate at kung masyadong maarte ang sinulat kong ito. Gusto ko lang isulat ang ilang mga masasayang alaala tungkol sa pagkakatagpo ko sa gwapo kong nobyo. Ang unang pagkikita at pagkakakakilala ko sa isang espesyal na tao, minsan ko lang matandaan, maalala. Kaya humanga ako sa sarili ko habang ginagawa ko ang entry na to, gusto ko lang talaga ikwento at ibahagi sa inyo ang ilang mga alaala na aking paka-iingatan, aalagaan, ang aming walang katulad na *the first time we met momentum, yeyeye. Break it down yow.
Ganito niya talaga ako natagpuan, ganito talaga ang tadhana, walang retohan na naganap, natagpuan lang namin ang isa't isa sa isang makulit na pangyayari, sa di inaasahang sandali. Ang hindi ko maintindihan e kung bakit walang kilig akong naramdaman noong una ko siyang makita. Basta ang alam ko lang, noong October 15, taong 2009, ako'y masaya.
"Masaya ako kasama kita."
Para sayo to, kid.
INNERPEACE&LOVEY'ALL! v(-_-)v
3 comments:
hahaha asteg naman
noong una, parang wala lang...
'yun pala meron, meron, meron...
merong kahihinatnan hahaha :D
Syempre. Das what ya kol, ehem, deshtiny.
aye!!!!!!! naalala ko eh!!!
Post a Comment