MAY BAGO NA! OHLALA!
Lahat ng bagay may kapalit. Give and take, exchange gift, karma, bili ng paninda, etcetera. Malamang lahat ng tao gagawin ang isang bagay dahil may kapalit. Kahit sa mga simpleng bagay, mag-aaral ka ng mabuti para sa mataas ng marka, magtatrabaho ka dahil may sweldo, gagamit ka ng shampoo ng kabayo para gumanda buhok mo, at ilan pang loko-lokong lohiko.
Pero sa tinagal tagal na ng pagkakalat ko dito sa mundo, saka ko lang naisip na hindi sa lahat ng bagay pinapairal ko ang ganitong ginintuang batas, o utos man yan, o law of nature. Dahil hindi sa lahat ng oras hinihintay ko ang kapalit ng ilang bagay, parang kahit ano'ng gamit ko ng shampoo ng kabayo, hindi na ako umaasa sa magandang maidudulot nito sa long hair ko. Feeling butihing tao.
Dati ang ilan sa mga kaklase ko, kelangan ng matinong motibasyon at suhol para magseryoso sa kanilang pag-aaral. Yung tipong "Anak ibibigay ko sayo lahat makita lang kitang nagbubuklat ng libro." "Anak isang libo sa kada uno mo sa kolehiyo." "Anak ibibili kita ng bagong telepono, pumasok ka man lang sa eskwela oh!"
At saka natauhan ako ng kaunti dahil sa isa kong kaeskwela, na kinwestyon ang kanyang magulang, kung bakit hindi siya binibigyan ng pabuya sa kabila ng pagiging magaling sa eskwela. "Gawin mo ang isang bagay dahil gusto mo ito, hindi dahil may kapalit." -Saka lang niya nagising sa ulirat, namulat. Pero ako, tumahimik na lang sa kanyang pagkekwento. Kasi ako, hindi pinalaki ng ganyan ng mga magulang ko, ako lang sa mga kapatid ko. Ako lang sa mga pinsan ko. Kasi ang mga kapatid ko, nakahanda lahat ng pabuya sa kada tamang asal, tamang gawain. Kasi ang mga pinsan ko, ibibigay lahat ng suporta para lang magseryoso sa pag-aaral, lahat ng hingin na gamit basta makapagtapos lang ng pag-aaral. Pero hindi ko hinihingi ang mga awa niyo. Kwentuhan lang muna tayo.
Hindi ko naman matatawag na martyr ang aking sarili, kahit na ilang beses na din akong nalulugi sa hindi ko paghingi ng mga kapalit. Nagbayad ako ng pamasahe nang kulang ang aking sukli, ang katamaran ko bilang isang class officer kaya hinanapan ako ng kapalit, iniwan dahil merong kapalit.
Hindi lang talaga uso sa akin ang ganyan. Ilang graduation ko na ang dumaan at wala akong engrandeng regalong natanggap. Ilang kabaitang asal na ang aking nagawa pero iilan lang ang taong magpapasalamat sa akin. Magbigay ng sobra sa kapwa kahit walang kapalit.
Kasi hindi naman sa lahat ng bagay kelangan may kapalit, kaya nga may mga salitang "mapaglamang, selflessness, mapagbigay." Minsan din naman, dumarating na lang yung mga pabuya at kapalit, sa di mo inaasahang sandali.
--
Kuya pinsan: "Ano'ng gusto mo, Cat?"
KT: "Kahit ano lang, nong."
Kuya pinsan: "Dali nga, ano'ng phone ang gusto mo?"
KT: "Kahit ano lang, nong."
Kuya pinsan: "iPhone o iTouch?"
KT: "ugh.."
Syet. Pers time.
INNERPEACEY'ALL.v(-_-)v
1 comment:
dapat sinabi mo pareho, iphone at itouch ahihihi
Post a Comment