MAY BAGO NA! OHLALA!
PRESYUR.
Matindi talaga kapag nakakaramdam ng pressure, lalo kung nasa eksena ka kung saan madalian mong ginagawa habang nangangamote sa isang term paper at napaparinig mo ang napakabilis na paltik ng pagttype ng katabi mo. Kung saan bente menutos ka ng late sa klase pero hindi ka pa nakakapanligo. Kung saan halos 3kilometro pa ang layo mo sa naguumpisa ng rehearsals na patutunguhan mo. At lahat ng ito, iilan lang sa mga naranasan ko. True to kt's life.
Ganito ako. Petix parin. Walang kupas, simula noon, hanggang ngayon, magpakailanman. Kasi kung tutuusin di ako mapepressure kung gumagawa ako sa oras kung saan bakante ako. Walang ginagawa. Pero ayoko, kasi noong estudyante pa ako, mas masaya ako sa piling ng computer at sa piling ng dvd, dvd marathon, sandamakmak na nobelang hindi pa natatapos basahin. Kasi ang hirap ng pagpapapasya ko sa buhay, parang pinapapili ako sa isang buffet meal o ang paggegeneral cleaning ng isang buong bahay. Sa isang keso real na ice cream o sa isang 100points na test. At kapag batugan talaga ang taong pinapapili, alam na.
Mahilig akong mag-cram. Masaya din magprocrastinate, pramis."Teka, may gagawin pa pala ako. Saka ko na tatapusin ang sa *insert subject here*, manonood pa pala ako ng favorite show ko..."Teka. Pwede na ang pagbigyan ang excuse na yan, PEYBORIT SHOW na naman kasi yan e, ibang usapan na yun. Kung the series yan diba nakakainis naman kung bitin, soon, to be continued, echebureche.
Pero nakakasawa at nakakalunod din pala ang sobrang petiks sa buhay, sa bahay. Oscar's award for being petix goes to me. At saka ko lang napagtanto ang isang malaking panghihinayang noong estudyante pa lamang ako. Na sana konting sipag at katinuan man lang ang nilaan ko sa pag-aaral. Konting tiyaga, konting tiis, konting bilib sa sarili, konting inspirasyon, konting pag-aadik sa tulog at komiks.
At mas lalo akong nanghinayang nang makita ko ang mga grado ko sa second semester AY 2009-2010, 1.57 average. Kurap sa mata, kurap ulit. "Aking profile ga ito?" Refresh sa mouse. 1.57 parin na average. DL. Da loser. Blangko ang sarili. Namanhid nang sandali. OA treatment nang madali.
Kaya mo pala. Save the best for last talaga palagi.
Swerte talaga. Parang may lucky charm lang talaga. Alam na! :))
INNERPEACEY'ALL. v(-_-)v
No comments:
Post a Comment