Pagpasensyahan mo muna kung medyo malaman ang entry na to. Ganito talaga e. Feeling writer.
At matapos ang 15 taon kong pag-aaral sa eskwelahan, masasabi ko na tunay at ganap na akong dakilang bum. Ang full-time yaya ng bahay, ang dakilang tambay ng bayan, ang lunod sa mga soap operang ipinapalabas sa telebisyon, ang kahit anong pepwedeng gawin ng isang ganap na takas ng institusyon ng kaalaman sa 4 na magkakaibang eskwelahan na nga ang aking napasukan, mapa-public o private school man: Lipa Seventh Day Adventist Elementary School, Toboso Poblacion Elemnetray School, Canossa Academy, University of Santo Tomas. Lahat minahal ko, sa lahat ako'y natuto.
Grade school: When I grow up I want to be: *blank*
Noong nasa elementarya pa lang ako hindi ko alam kung ano ang gusto ko paglaki ko. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil tingin ko iilan lang naman ang mga ambisyon na pepwede, at ayoko ang gumaya sa mga kaklase ko na pare-pareho lang ang gusto: kung hindi ang maging doktor e magiging guro. Isa pa hindi talaga ako magaling sa laro pa lang na DR Kwak kwak tulungan mo silang nagkabuhol-buhol ang mga katawan, pati ang larong titser-titseran na kahit kelan hindi binigay sa akin ang role bilang maging isang guro. "This is a sign." na lang kako. Ekis na agad ako sa pagiging Doktor at Titser. Iilan pa lang naman ang alam ko bukod sa mga tipikal na trabaho noon, malay ko ba na may trabaho pala bilang isang manunulat, artista, at musikera. Kaya naman noong bata ako, wala pa akong ideya sa kung ano ang gusto ko. Basta ang alam ko masaya maging isang kahera kunwari at pakawalang bata. Bata pa lang, malabo na talaga ako, at mayabang.
Grade School: When I grow up I want to be: a tutubi
Nalipat ako sa isang public school noon, galing private papuntang public school ng isang probinsya, nagsilbing hamon sa isang pilya at maarteng sarili ko noon. Pero laking pasalamat ko na lang at nalipat ako sa public school. Kasi dito natuto akong maging kengkoy, na hindi mag-inarte, na maging brusko at hindi padadala sa mga asaran ng ka-eskwela, na magaling ako gumuhit dahil masarap magbigay papuri ang mga kaeswela, na masayang maglakad papauwi kasama ang mga kaibigan at pinsan, na hindi kelangan magmahili ng mga barbie dolls at imported na laruan tulad ng naranasan ko sa private school, na ang mismong tsinelas mo ay pepwede ng panlaro. Natutunan ko na hindi uso sa akin ang crush at olats kapag ikaw ay asar-talo, at higit sa lahat, natutunan ko na makisama sa iba't ibang klase ng tao, at kung paano ang maging totoo at maloko.
High School: When I grow up I want to be: *pa, ma, ano ga dapat ilalagay dito?
Mataas na paaralan. Balik na naman ako sa syudad. Hindi ko alam pero kapag sa highschool talaga sinasabi nila dito at ito na ang pinakamasaya, kaya sige nakisang-ayon na din ako sa kanila. Mas maraming bagay ang aking natutunan sa high school, nabigyan linaw ang aking pangarap sa buhay, kahit clue lang kung ano ang pepwede kong gawing pangarap. Na bukod sa mahal ko Trigonometry at isinusuka ako ng chemistry, natutunan kong hindi para sa akin ang matematika, kaya hindi ako pwedeng mag-engineer. Natutunan kong ingatan ang ilang mga tunay na kaibigan, natutunan ko ang salitang 'ligaw' at 'panliligaw,' na hindi ako interesado talaga sa buhay pag-ibig kaya natutunan ko din ang salitang 'basted o busted' saka ang pagsagot na 'kasi strict ang parents ko e.' o kaya 'Studies first.'
College: When I grow up I want to be: pass.
Sa umpisa kontra na ako sa gusto ng aking mga magulang. Hindi ako handang humiwalay sa probinsya kong mahal, sa mga barkada kong nasa iisang paaralan lang ang pinasukan, kasi ang mangyayari, ako lamang ang luluwas sa kamaynilaan. Hindi ko pa handang iwan ang puntong batangeƱo, ang tambak na tubalan, at ang naglalakihang bangkalan sa may ka-labingan. Hindi pa ako handa ang sabi ko. Ang hirap mag-let go. Emo. Ito ang napupulot kong kadramahan sa sobrang panonood ng teleserye. Pero dahil nagsilbi itong hamon sa tulad ko, nilubos ko na ang pagiging mayabang kong tao.
At kung sinasabi nila na highschool life nila ang hindi nila malilimutan, pwes ako itong buhay ko sa kolehiyo ang itataga ko sa bato at sa puso ko. Parang all-in-one seasoning sa ulam pangdagdag sarsa sa kanin at pang-kulay sa inumin. Ang ilang kamalayan na hindi mo matututunan sa elementarya ar highschool- sa kolehiyo ko natutunan-- at nalaman ang mga kahinaan at mga katarantaduhahan ko, na pepwede pa akong magbago, may pagkakataon pa para sa mga nagbabalik loob sa pagiging matinong tao, at ang-- teka ang baduy neto- pag-ibig at pighati. *suka
Natutunan kong mahalin ang basketball, ang tumakbo at pumasok ng walang kain, ang de-lata at noodles diet, ang pangungutang at pag-utang, ang magtiis at magtiyaga sa halos 2 taong walang flashdrive at apat na taong walang laptop, sa tambak na gawain, at ang *drum roll, please* 'art of cramming.'
At walang ibang lugar na napaglalagyan ang pagiging mabait mo at ang perfect attendance. Kaya naman sa unang dalawang taon ko sa kolehiyo, sinulit ko ang hanggang 10 absences, at naging maingat sa sumunod na 2 taon na hanggang 3 absences na lang. Isa pa ang pagtakas sa gitna o umpisa ng klase ay hindi naman masama, nasa paghuli sa akto lang naman yan.
At kahit hindi ko naman nakuha ang kursong pinapangarap ko sa kolehiyo, alam ko naman na natagpuan ko ang mga taong minahal ko at napamahal na rin sa isang malokong tulad ko, mga taong naging parte sa isang probinsyanang naglakbay sa kamaynilaan at nakipagsapalaran. Manila, Manila, I keep going back to Manila.
Sa ngayon kung tatanungin ako sa kung ano'ng gusto kong maging, hindi parin malinaw at diretso ang maisasagot ko. Kasi ang totoo hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano ang aking gusto. Pero iisa lang ang sigurado, na sa kahit anon'ng pepwedeng mangyari, alam ko magiging matagumpay akong tao, itaga mo ulit yan sa pekeng bato na makikita sa Recto.
Tapos na nga ako sa kolehiyo, pero parang kelan lang *chimes, harp, violins sabay-sabay as bground music
2 graduation ceremonies na ang aking napuntahan, maraming taong naging inspirasyon, maraming tao na pepwedeng pasalamatan. Salamat:
Kay na mama at papa, na linggo linggo akong binibigyan ng baon at pang-matrikula.
Sa mga kondoktor at drayber na matiwasay akong hinahatid paluwas at pauwi sa ALA EH!
Sa mga kapatid ko sa dorm na may solid na samahan. Sa mga kaklase ko sa Communication arts, ang dating CA3 at CA2. Sa bean girls, butihing nobyo.
Sa mga naging kaibigan ng pansamantala, backstabbers, mapang-utos na kagrupo, lider na mapang-abuso, kainan sa bawat kanto.
Mga maestra na kung ituring kami'y kaibigan, sa isang propesor na pinahiya ako sa klase, nambagsak sa akin, nagbigay ng mataas na marka, at sa piling mga maestro at maestra na para mo na rin naging isang barkada, apir naman diyan!-- at sa 7eleben kung saan bente kwatro oras na bukas, tamang-tama sa oras kung kelan "Oops wala na pala akong syampu at sabong panlaba!"
Kung may nakalimutan pa akong pasalamatan, ipagpaumanhin mo na muna ako kaibigan. Pwede mo akong i-pm para maisama kita sa entry kong ito. Ito lang naman talaga ang kabuuan ng enrty na ito e:
MASAYA MAGING ISANG TOMASINO. I WILL ALWAYS BLEED BLACK AND GOLD. c:
Congratsuleyshens sa lahat ng gagraduate ngayong 2010. Unahan na lang tayo sa trabaho. Roar.
INNERPEACEY'ALL. v(-_-)v
1 comment:
Kongratsss!!!!!
Post a Comment