REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Sunday, March 14, 2010

DOS Y BOKYA

MAY BAGO NA! OHLALA!

At nakakarinig na naman ako ng sunod-sunod na hirit ng:

'Libre ka naman!' (libreng ano ga kamo?)

'Pakain ka bukas!' (49ers, kahit anong hindi tataas sa 50pesos? kikyam scramble mga pagkaing asa lansangan?)

'Inum!' (hindi ako umiinom e. Pepwede ng ga ang funchum?)

'San tayo bukas?' (Ewan ko sa iyo, may practice ako bukas sa school e, gusto mo sumama, manood? Ng practice?)

'Bertdey niya na bukas!' (Alam ko.)



At sa barat pa kayo magpapalibre ng pagkain, mabubusog na ba kayo sa sang-dosenang tokneneng at sang gallon ng samalamig? At sa hindi umiinom pa kayo nagyayaya ng inuman, kaya natin magkaroon ng good time ng hindi nagkaka-amats, kung paano tuturuan ko kayo, KT-style. At sa pilosopo pa talaga kayo nagtanong. At sa baliw pa talaga kayo nagtangkang makatanggap ng matinong sagot.

Dahil madami ang namumulubi, nagugutom sa pagkain, at nauuhaw sa alak, at lumalapit sa akin tuwing sasapit ang ika-16 ng Marso, pipilitin kong kalimutan ang aking pagiging barat at pagiging isang indyan, pipilitin ko, pramis.

Bukas nasa linya na ng dos ang edad ko. Ramdam ko na din naman ang katandaan ko bukod sa edad ko, kelangan ko na din pala humanap ng trabaho. Iiwan ko na ang peryodiko ng kabataan, ang pagkakaroon ng puppy love, ang mga moment kung saan 'Hindi natin siya bati ha!', mga ganitong uri ng tampuhan. Pero tumanda man ako sa edad ko, alam ko dugong-bughaw-kabataan parin ang dumadaloy sa mga litaw na ugat ko.

Mamahalin pa rin kita Arnold at Spongebob, kikilalanin parin kita bilang pambansang laro, jackstone, at magiging masunurin parin ako sa hanggang 6pm na curfew sa bahay. Ang mga kawirduhan kong taglay, panghabambuhay na din 'yan, kahit ilang bukas pa rin naman ang magdaan.

Kasi ano ba naman ang meron bukas?

Ah.. Graduation practice nga pala.
Sana umulan bukas.

INNERPEACEY'ALL. v(-_-)v

No comments: