REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Tuesday, March 2, 2010

DAMI RAMI

MAY BAGO NA! OHLALA!

Konsensya: Alalahanin mo na kelangan mo pang gumawa ng powerpoint presentation at 5 pages na paper sa World Literature.

Wag mong kakalimutan ang 50slides na presentation ng napiling topic(Overpopulation and overproletariat) ni sir para sa 'yo dun sa subject mong Develoment Communication, bonus yung paper na pinapagawa niya, at oo nga pala kelangan may mga orihinal na retrato sa bawat slide, kung pepwede. Orihinal.

Kelangan mo din umattend sa mga rehearsals para sa musical mo na gagawin na sa sabado, piliting magmukhang serena imbes na syokoy, konting lambot sa katawan at gana sa pagsayaw, di bale na ang magmukha kang ewan, marka ng grupo mo ang nakasalalay diyan.

Finals mo na sa Taxation bukas ha, sauluhin mo ang formula. forget the grains at forget the personality, wag lang ang calculator mo. (siyet ang baduy.)

At teka, nakalimutan ko bang sabihin na may Advertising management na surveys at radio proposals(how?)

Saka sa Public Relations mo na paper at design ng folder? Kakayanin mo ba lahat ng 'to sa loob ng 2 araw? Talaga kaya mo?


Ako: *naka-mp3*

Mabuhay ANG mga ngarag.

INNER PEACE Y'ALL! v(-_-)v

No comments: