REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Sunday, February 21, 2010

FAIL

MAY BAGO NA! OHLALA!

FAIL PAIL PEYL PALYA SABLAY MALI

Ilang beses ko ng narinig ang mga salitang yan, sinulat, tinext, sinigaw, sinabi sa personal, chinismis ng iilan, binulong. At sa bawat beses na nakakadaupang palad ko ang salita na iyan, isa lang ang reaksyon na nagagawa ko: matawa. Oo tama ang nabasa mo, hindi talaga ako seryosong tao. Matatawa na muna ako. Alam ko hindi normal ang inisyal na reaksyon kong ito. Bakit? Ano pa ba ang inaasahan mo sa baliw na kagaya ko?

Kasi naman naman naman. Hindi ko alam kung nasasanay lang ba ako sa ganitong proseso ng aking pamumuhay, ang hindi pumasa sa antas na ginawa ng ibang tao, o ang di epektibong panliligaw sa kanilang mga luho at capricho. Eh kung puso ko na lang kaya ang sundin ko? Di bale na ang makatanggap ng di kaaya-ayang mga salita dahil sa di ko pagpasa sa kanilang mga lokong antas na ginawa.

Di bale na lang nga. Hindi ko naman, at hindi mo din naman kelangan makiusap sa ibang tao, kasi may mga tao talaga na nuknukan ng pagiging pakipot, buraot, magagaling masyado, sila AKO-ANG-ANAK-NG-MAGALING. Sige ikaw na. At hindi mo rin kelangan patunayan ang sarili mo sa iba, magmayabang ka, ipakita ang ipagmalaki ang sarili hanggang sa maniwala sila. Hindi ko at hindi mo kelangan gawin yan. Alam ko at alam mo kung gaano ka kagaling, kung gaano ka katotoo sa iyong sarili. Nasa tamang daan ang ating pag-iisip at kakayahan. Sa mga hindi nakakakita niyan, nasa kanila na ang kawalan.

Para sa mga mapang-abuso sa kakayahan ng iba: Wala! Wala akong masabi sa inyo. :P
At para sa mga nasaktan sa mabibigat na proseso sa ilalim ng kapangyarihan ng mga loko-lokong tao: Lumaban ka! Potek! Wag ka matakot. Kasi kampi tayo, at panigurado, sila ang talo. :P


INNER PEACE Y'ALL. v(-_-)v

No comments: