REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Sunday, February 14, 2010

PERS LAB

MAY BAGO NA! OHLALA!


Pag nabanggit mo ang PERS LAB, malamang ang isasagot sayo ng karamihan ay mga pangalan ng tao, unang beses na ika'y umibig. Unang pagkakataon kung saan tumibok ang iyong munting puso, unang pagkabihag sa kahibangan. At ang kahibangan ay maituturing na kasiyahan.

Unang tao kapag FIRST LOVE. Unang pag-ibig.

Pero ang FIRST LOVE ko ay ang pagguhit. Sa puso at diwa, sa sira-ulo kong utak at sa katangahang ginagawa, mahilig akong gumuhit. DRAWING, maliban na lang sa pang-indyan, pang-gagantso, pang-loloko.

Pagpasensyahan mo na kung medyo mayabang ang dating ng entry na 'to, dahil alam mo hanggang dito lang din naman ang pagmamayabang ko. DATI, magaling ako gumuhit. DATI sakin pa nagpapa-guhit ang mga kaklase ko ng mga paperdolls. DATI palaging nasa unahan ang obra maestra ko sa ARTS. DATI class artist ako. DATI lang yan.

Maikwento ko lang sayo na nasa lahi talaga namin ang mga artists. Ehem ehem. Wala ka sa lolo ko kasi ang banat ko rito. Dating sikat na pintor sa mumunting bayan ng Lipa, na-rated K noon at naging tanyag dahil sa pagpipinta. May tita din akong ballerina, dalawang tito at ang tatay ko magaling din gumuhit. Pero hindi na rin naipagpatuloy ang ganitong sining samin. Dahil ang tita kong ballerina, nasa isang magandang opisina na, at ang dalawa kong tito, mga inhinyero at maestro, ang tatay ko naman isa na ring accountant na pursigido. Mga pinsan na ang puso'y nasa agham at syensya, nagbabalak maging abogado, abogada, ang ilan nasa larangan ng may matematika.

Kasi kung iisipin mo, paano ba kung ipagpapatuloy pa ang sining na pagguhit, gayong may mga kompyuter at at CS*numero dito na tayong ginagamit? Ang mga basic mananatili na lang na classic. Old school.

Mahirap man na ikaw ay aking pakakawalan, alam ko rin naman na hindi na kita kayang ipaglaban.
Kaya para sa nauna kong pag-ibig, tumigil man ang gana ko sayo, kahit kelan ikaw ay mananatili parin sa puso ko.


INNER PEACE Y'ALL. v(-_-)v

1 comment:

Anonymous said...

stay in love <3 :)