MAY BAGO NA! OHLALA!
Alam mo na nalalapit na ang araw ng mga puso kapag puno na ng pagmamahal sa paligid, kapag biglang taas ng presyo ng mga panindang bulaklak sa pamilihan, kapag nakakaubusan na ng tsokolate sa mga suking tindahan, kapag nakakaroon ng mga reservation tickets sa mga pepwedeng pasyalan, at kapag sabik na ang mga tao sa pagpapahayag ng isang matamis na pagmamahalan. Blue cheese-sey.
Ang palaging eksena at ang palagi kong nakikita sa halos 19 na pebrero 14 na lumipas sa lokong buhay ko. Ang tanging naiisip ng ilang tao. Ang Pebrero 14 ay hindi lamang para makasama ang taong mahal mo. Ang Pebrero 14 ay ang araw para makasama mo ang MGA taong mahal mo.
Yan ang plano ko, idate ang pamilya ko ngayong linggo. At ipagmayabang sa tatay ko na: "Tay, easy lang, sagot ko ang kainan ngayon." Pero kapag naiisip ko pa lamang ang pag-practice ng linyang ito na sasabihin ko pakiramdam ko pagtatawanan lang nila ako. Kasi naiimagine ko na rin ang pepewedeng ibatong sagot sa akin ng aking pamilya:
Tay: *ngingiti lamang, shock na shock
Nay: "Yeesa! Ang yabang ni ate!"
Balot: "Asa ka naman!"
Totoy: "Anoooo?!"
Hindi sila makapaniwala. Ako rin hindi ako makapaniwala. Tandaan na ang taong pinanganak na barat ay mamatay bilang isa paring barat. Pero dahil mahal ko naman ang pamilya ko at sila naman ang top priority ko, sige, handa kong isakripisyo ang ilang araw na pagtitipid at handa na akong pakawalan si Ninoy... ang hirap talaga.
Sa darating na Feb.14, ingatan mo ang puso mo.
INNER PEACE and LOVE Y'ALL! v(-_-)v
lumang entry feb14, 2009: http://akongapalasitanga.blogspot.com/2009_02_15_archive.html
No comments:
Post a Comment