MAY BAGO NA! OHLALA!
Feels like falling for the first time.
Feeling First timers.
...
Naisipan magkwento sakin ng aking kaibigan tungkol sa kanyang pinakamasayang araw. Hindi ko alam kung bakit pinakamasayang araw niya na 'yon gayong hindi pa naman katapusan ng lahat. Pero hindi ko na rin magawang kumontra, alam ko kasi, at kita ko sa mga mata niyang singkit na kumikislap, na masaya siya. Okay, masaya na siya, game over.
...
Isang araw, nakaramdam siya ng sobrang ligaya't galak, kasi isang araw...
*Naging DORA the explorer siya noong isang araw. Nilakbay niya ang iba't ibang karatig lugar sa Luzon kasama ang kanyang irog. Paano ba naman kasi, bibisitahin niya ulit ang bayan ng kanyang nobyo. Sabi niya sa akin kinakabahan siya, nahihiya. Pero sa umpisa lang naman yon, kasi malugod siyang winelcome ng pamilya ng kanyang nobyo, nagkaroon ng konti at saktong usapan sa kanya at sa mama ng kanyang nobyo. Unti-unting nabunutan ng tinik at baradong toothpick sa kanyang lalamunan.
*Umabot ang halos hatinggabi at sila na lang ng kanyang nobyo ang gising sa bahay, nanonood ng isang gag show habang naglalaro ng baraha-unggoy-unggoyan at take5. Ibang klase talaga ang trip, magpuyat para lang sa laro. Hanggang sa sinabihan siya ng konsensya na matulog na sila, halos ala-una na kasi ng umaga.
*Magkatabi silang matulog ng kanyang nobyo, katabi rin nila ang mama at kapatid niyang babae. Nakwento niya pa na hindi man lang nagalit ang mama ng kanyang nobyo dahil magkatabi silang matulog, pero bukod don natuwa pa rin ang kaibigan ko. "Parang may tiwala sa akin, sa amin yung mama niya." At masaya ako para sa kanya, tanggap naman siya ng pamilya.
*At sumalubong sa kanya ang umaga, unang pagmulat ng mata at ang mahal niya ang nakita. At hindi normal ang batian nila ng 'good morning,' medyo may konting sakitan at asaran at lokohan at madalas na ututan. Hindi daw uso sa kanila ang 'Lokohin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising,' kasi ang sa kanila: 'Lokohin at asarin ang bagong gising.' Hindi ko alam kung lambingan ba nila to o ano, pero ito ang masasabi ko, ibang klase talaga ang takbo ng pag-iisip ng dalawang ito.
*Kumain sila ng umagahan, at lumuwas pabalik ng Maynila para pumasok sa eskwela. Pero hindi pa rin sila nagkakasawaan kasi naikwento niya sa akin ang ginawang paghihintay at pagsama ng kanyang nobyo sa kanya, kung saan siya magpunta at habang may inaasikaso sa eskwela. Hanggang sa paghahatid sa probinsya ng kaibigan ko, hinatid pa talaga siya ng nobyo niya. At hanggang sa bus isang wan-tu-sawang kulitan at bangayan lang ang ginawa nila. Ibang klase talaga.
...
Ramdam ko ang kakiligan ng kaibigan ko habang kinekwento niya ang mga detalyeng ito, simula ng kanyang kwento, hanggang sa huling mga detalye. Natuwa ako at nagtaka ng konti. Kasi ang kaibigan ko na 'to, daig pa ang walang kakiligan na naranasan noon. Akala mo unang beses pa lang umibig. Pero masaya na rin ako para sa kanya, kasi alam ko na sobrang saya niya sa piling ng iba, na nakita niya ang saya, ang saya na hindi niya nakita sa iba. O kung nakita niya man sa iba 'yon, sigurado ako pinaka masaya na siya ngayon.
...
Feels like falling for the first time.
Feeling First timers.
No comments:
Post a Comment