MAY BAGO NA! OHLALA!
Noon isang linggo, preliminary exams' week. At ngayong linggo na ito, resulta ng pangangamoteng duguang utak exams' week.
Pero kanina sa klase ko ng Lit104:
Highest to lowest ang pagbibigay ng papel. Right minus wrong ang unang type ng test. Idinaan ko sa matinding hulaan ang pagpili ng mga sagot at kakaunting knowledge na natira sa kokote ang test. Bumili ng kaunting pag-asa sa katabing tindahan at konting kahihiyan para sa inaasahang babagsaking prelims.
ANG HATOL:
Nagsimulang ipamigay ang mga papel.
Walang nakakuha ng line of nine. *Lunok
Nagsimula sa mga nakakuha ng line of 8. *matulog kaya muna ako, matagal pa ang 7 at 6 e.
Nagsimulang magtawag ng mga apelyido si maestra...
Tumayo at pumaroon sa teacher's table ang halos 4 na unang estudyanteng tinawag, at saka ako nakaramdam ng liwanag, nawala bigla sa sarili, isa na namang tonta moment/I think I left my brain while washing the dishes earlier...
seatmate: "Huy Lacorte tinawag ka na!"
KT: "Ay gagu!"
NAPASAMA pa nga sa top ten o! Mahangin ba kamo?
Agad akong nagpasalamat kay papa God sa 81 na score. This is miraculous, indeed. Pakibatukan nga ako, please. Pero wag, I'll savour the moment. I got an 81. I repeat, an 81! PANIS!
Iniisip ko bakit ang swerte ko ngayon. February 04, 2010. And then I stopped wondering why. Naalala ko, I've just had a lucky charm nga pala, in a monkey form nga lang. Since that monkey's been bringing good luck and happiness to me, then I'm willing to keep him for the rest of my tonta life! FOSHO! achuchuchu! Kita mo yon napa-english ako! :p
INNER PEACE Y'ALL. v(-_-)v
No comments:
Post a Comment