MAY BAGO NA! OHLALA!
Baka kilala mo siya?
Totoong kilala? Pramis?
Marahil makikita mo siya na naka-makeup, at marahil makikita mo siya na nagpupulbos sa gitna ng madla, at marahil makikita mo ako na naglilipstick sa daan. Pero hindi.
Hindi siya 'yan. Ang pinaka-kaartehan niya lang sa katawan ay ang maligo araw-araw, magtoothbrush ng ngipin, magsuklay ng buhok, at magnakaw ng pabango sa kanyang tatay. Dahil kapag natuto pa siyang gumamit ng mga kolorete sa mukha, mas lalo dumudungis ang mukha niya. Hindi sanay, foreign. A maton, inside and out.
Marahil makikita mo siya ng maaga sa room, mag-isa at naghihintay ng iba niyang mga kaeskwela sa kanilang pagpasok. Marahil makikita mo siyang malumanay na naglalakad sa kalye, o sa pagpasok sa eskwela. Pero hindi.
Hindi siya 'yan. Dahil malamang alamang makikita mo siya na tumatakbo at harurot na sa pagpasok, na halos kalahating oras ng huli sa isang klase. At kung makita mo man siya na papetix-petix sa campus sa oras ng klase, maniwala ka, hindi na nakaabot ng klase ang tamad na si Juana.
Marahil mapapansin mo na nakasimangot at nagmumuktok siya sa isang sulok, bertong badtrip, palaging masungit. Pero hindi.
Hindi siya 'yan. Dahil buong buhay niya, malaking utang na loob para sa kanya ang pagtawa. Literal. Ang buhay ay isang joketime. Life's a FOOL. Fool of happiness, ika nga niya.
Marahil marami na ang umibig sa babaeng ito, at marahil may iilan na rin ang nakapagpatibok ng kanyang munting puso. Mga pag-ibig niya na nasayang, nabigo, nagtagal ng sandali, pansamantala, biglaan, at nagoyo. Marahil walang matinong patutunguhan ang tema na ito. At marahil marami-rami na rin ang kanyang pinasukang gulo. At marahil marami na ang galit sa tao na 'to.
Pero hindi. Hindi niya 'to lahat ginusto.
Dahil hindi naman lahat ng ito ay totoo.
At ang babaeng tinutukoy ko, hindi ko rin kilala kung sino. :P
INNER PEACE Y'ALL. v(^_^)v
No comments:
Post a Comment