MAY BAGO NA! OHLALA!
Hindi talaga ako pabor sa pakikipagkilala sa mga taong walang koneksyon sa sino mang kaibigan ko. Kung kumpletong istranghero ang tao, mahirap ko bago pansinin. Wag niyo akong sisihin, pinanganak akong suplada, pinanganak na magmukhang suplada. Pero nilunok ko din ang paniniwalang to noong di inaasahang araw.
Love like you've never been hurt.
Sige, makikisang-ayon na ako sa kasabihan na ito. Umibig ka lang, ulit, kahit ang sakit ng nakaraan, talagang bullshit. Tuloy parin ang buhay. Ang sabi ko pa noon, laylo na muna ako sa buhay pag-ibig. Tama na muna. Standby. Pero nilunok ko din lahat ng iyon noong di inaasahang araw.
At naniniwala parin ako, na isang araw, matututo parin akong kiligin tulad ng dati, mag-inarte bilang babae sa kabila ng pagiging maton. Na matututong magtiwala at umasa sa pagkakataon, na sana hindi nito ako biguin. Na matutong bumungisngis madalas at ngumiti sa kahit anong mangyari.
Pero ito ang panalo e, ang matutong umibig muli ng isang tao. Pagbilhan nga ng keso diyan.
At nangyari sa akin yan, noong hindi inaasahang araw...
INNER PEACE Y'ALL. v(-_-)v
No comments:
Post a Comment