MAY BAGO NA! OHLALA!
Paalam na talaga 2009, masyado kang maraming alaalang binigay sa akin at sa bayan. Mapapait, malulungkot, masasaya, mga di inaasahan. Pero kahit ganun, 2009, may ilang mga bagay akong natutunan sa iyo, buong buhay kong iingatan, babaunin, hanggang sa huling sandali.
LESSON # 1 RESPONSIBILIDAD
Once upon a summer on April 2009, nakilala at nakisalamuha ako sa mga astiging tao ng ABS Southern tagalog. And we lived happily ever after. Sa pagiging extra ko sa munti nilang mundo natutunan ko kung paano panindigan ang mga responsibilidad na ibinigay nila sa akin. Sa pagiging extra ko sa munti nilang mundo nakahanap ako ng ilang mga totoong kaibigan at nakakuha ako ng inspirasyon para ipagpatuloy ko ang pangarap ko sa buhay. Ang drama. Syet.
LESSON # 2 ACCEPTANCE
Kung masugid kang sumusubaybay sa maloko kong mga sulatin, may ideya ka na siguro sa tinutukoy ko dito. Bukod sa tanggap ko na ang pagiging weirdo kong tao, ngayong taon na ito, natutunan ko ang pagtanggap sa mga bagay-bagay o mga "makadurog ng puso" moments.
Minsan kasi, hindi mo na kelangang alamin kung bakit, minsan kasi may mga bagay na dapat tinatanggap mo na lang kung bakit nangyayari, kahit mahirap, kahit magulo.
LESSON # 3 ENDURANCE
Alam ko nasangkot ako sa sari-saring gulo o eskandalo o kung ano pa ang tamang tawag dun base sa mga tabloid at showbiz news, pero ngayong taon na 'to nadawit ako sa mga di kanais-nais na pangyayari dahil na rin sa katarantaduhan ng mga desisyon ko.
Pero sa bawat desisyon ko, mali man sa paningin ng iba, o nakabastos man ako sa kanila, alam ko pinanindigan ko lahat ng ginawa ko. At alam ko na hindi ko pagsisisihan ito. May mga tao na nalalabuan sa akin, pero hindi ko na kelangan magpaliwanag pa sa bawat desisyon na gagawin ko. Alam ko ang mga desisyon ko, base yon sa ikabubuti ko. Ego ko ang pinaguusapan dito.
LESSON # 4 INNER PEACE
May papel na talaga sa buhay ko ang mga taong nagagalit naiirita nagsusungit nananaksak sa aking likod, tagiliran, harapan, tuktukan. At wala na akong pride na pinanghahawakan, ayoko ng away, gulo at gaguhan. Sa abot ng aking makakaya, ipapaabot ko sa kanila ang aking kakaunting handog ng kapayapaan, kung hindi man nila tanggapin, hindi ko na problema iyon. Ginawa ko na ang parte ko bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan sa mundo.
Blessed are the peacemakers for theirs is the kingdom and icecreams in heaven.
LESSON # 5 BE THANKFUL
Salamat sa lahat ng blessings na naligaw sa akin, malugod ko kayong kukupkupin. Mapa-tao man yan, UNGGOY, o pagkain. :)
HELLO, 2010. :p
INNERPEACE Y'ALL v(-_-)v
No comments:
Post a Comment