MAY BAGO NA! OHLALA!
Ika-80 blog entry ko na ito. Hindi ko alam ang tema na isusulat o ikekewento ko, pakiramdam ko ispesyal lang na maglagay ako ng ika-80 blog entry ko. Sabay-sabay: HURRAH! O sige, gagawin ko na lang tema yung kinwentong libro ng propesor ko kanina:
"All the things I need to know about life, I learned from kindergarten."
Hindi ko alam kung sakto ang titulo pero kung hindi man wag mo munang kasuhan ako, hindi ko masyado natandaan dahil karamihan sa oras ng ikinabubuhay ko dito sa mundo, lutang palage ang utak ko. Wag mo na tanungin kung bakit. KT nature 'yan.
5 taon gulang ako nang pumasok ako ng kinder. Medyo bata ng isang taon kumpara sa mga kaklase ko, pero hindi ko nakuhang tawagin silang ate o kuya, bastusin na siguro ako simula noon, hindi na gaano ngayon. At hindi ako bibo kid, pasikat lang minsan, lalo na kapag napapaskil sa estante ng room ang gawa ko sa arts, at kapag nilalakasan ko ang boses ko kapag kumakanta, at minsan naman best in costume pa kapag united nations day sa eskwela. Hindi pa ako bibo kid niyan. Medyo pasikat lamang.
Pero ang mga alaala na hindi ko makakalimutan noong kinder ako, iilan lang, pero tumatak sa akin, at magtatagal. Kung hanggang kelan di ko na din alam.
*I AM ISSHTRONG
Kunwari matapang akong bata, kasi pasikat ako, kasi hindi ko nagawang umiyak noong iniwan ako ng lola ko sa classroom. At kunwari sobrang tapang ko, kasi hindi ko nagawang magpadala sa ginagawa ng karamihan: iiyak dahil nawalay sila sa piling ng kanilang mga magulang.
*I CAN MAKE IT THROUGGH THE RAINNNN
Kasagsagan ng bagyo, halos mahuhuli na ako. Pero sumulong pa rin kami ng papa ko suot-suot ang kapote ko. May moral lesson na iniwan sakin to, bukod sa pagdadala ng kapote kapag umuulan, huwag na huwag kang sumuko sa umpisa o gitna ng laban. YEBA!
*I CAN STAND UP ONCE AGAIN
Ang peklatin kong tuhod ay alaala ng aking gusgusing kabataan. Kapag nadadapa ako habang naglalaro, alam ko na ang premyo ko galing kay nanay ay palo. NAY NAMAN, hate the game, not the player.
*ME, MYSELF AND KT
Hindi ko alam pero noong kinder ako wala akong permanenteng kaibigan. Minsan kasi may sulutan, kampihan, lokohan, sabwatan, tarayan, iwanan at kung ano-ano pang bata-batutang awayan. Mga bata nga naman kasi siguro. Kaya naman natuto ako noon na magkaroon ng me and myself coordination, self-support. Saka ko lang din lubusang naunawaan ang term na "sarili", ang kakambal mong taglay. ASTEG!
*DAMOT
Naasar ako noong isang beses dahil naiwan ko ang mga lapis ko sa bahay at hindi ako magawang pahiramin ng aking mga katabi. Hanggang sa dumating ang araw at nakalimutan nila ang kanilang pangkulay at pinahiram ko sa kanila yung sakin, kahit hindi sila humihiram sa akin.
Likas na sa akin ang pagiging mapagbigay. Kung may aangal pa sa pagmamayabang kong 'to baka hindi lang niloa ako kilala sa personal na buhay. At kung hindi nila ako kilala sa personal na buhay, syet ang lungkot naman nila. Korni ba? Sige biro lang.
*1+1 ABC
Small beginnings na naturo sakin, samin, satin. Lahat nagsisimula sa kakaunti, sa maliit, sa wala, sa blangko. At yan nabablangko na ako.
INNER PEACE Y'ALL. v(-_-)v
No comments:
Post a Comment