REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Friday, April 10, 2009

FAIRYTALE INSPIRED.

MAY BAGO NA! OHLALA!
Net net net. Facebook. Multiply. Konting friendster. Konting plurk. Konting musika. Ganito na kabagot at kawalang kabuluhan ang buhay ko. Bakit mas stressed ang pakiramdam ko pag ganito, kumpara sa buhay ko sa Manila, pagkatapos ng eskwela, uwi sa dorm. Uste-dorm. Dorm-Uste. Uste-7eleven-dorm-zigvince-dorm-kalsada-dorm. Mas exciting, kahit paulit-ulit. Mas makulit. Mas masaya.

Net net net. Facebook. Multiply. Konting friendster. Konting plurk. Konting musika. Quiz dito, status doon. Nakakasawa na. Ang sarap burahin lahat ng account na yan. Heh heh.

Masubukan nga ang iba. Youtube. Makapanood nga, pero hindi ako magpporn. Uunahan ko na ang iba baka isipin nila ganun ang ginagawa ko. Gawin pa akong manyak. May gusto lang akong panoodin ulit. Kaya lang nakakahiya sabihin, pero sasabihin ko pa din. Ehem... Pinanood ko yung the little mermaid, ulit. Pakiramdam ko kailangan ko uling ma-inlab. Masarap ang feeling e.

Mahilig ako sa fairytales. Paborito ko the little mermaid. Sayo, ano yung sayo? Dun ko kaya nakukuha ang kabaduyan ko. At ang pananaw ko sa pag-ibig. Na isang araw sa buhay ko, darating ang prince charming ko, yung mayaman at pogi, yung tipong love at first sight. Yung the one. At ang ibig kong sabihin dun, siya lang talaga, at ako lang dapat ang babae para sa kanya.

Ang weird lang, kasi ayokong makarinig ng salitang 'ex.' Nakakalungkot kaya, bakit hindi naging kayo sa huli, bakit hindi iningatan, bakit mauuwi sa wala, bakit pa naging kayo kung hindi rin lang magiging kayo sa huli.

May kabigan ako, matagal-tagal na siyang hindi nagkakaroon ng boyfriend, at nung may nanliligaw sa kanya, pinayuhan ko siya, kasi matalik ko siyang kaibigan, at ayoko ang masaktan siya. Ang sabi ko:

"Kung nagkataon, siya angh first boyfriend mo. Pag-isipan mong mabuti. Dapat siguraduhin mo kayo na talaga. At magtatagal kayo..."

Kasi naman, ang gusto ko, kapag pumasok ako sa isang relasyon, gusto ko kami na rin sa huli. Kasi ang hirap naman kapag ito ang 'first' mo, ang hirap para sa isang katulad ko na binusog ng fairytales ang pag-iisip. Ibibigay mo lahat, at itetreasure mo lahat. Lahat-lahat. Kahit pumasok ako sa relasyon na masyado pang maaga at alam ko madami pang problema at tukso na darating. Hindi ko ata naisip 'yun. Wala naman kasi nun sa fairytales. Diba?

Paano na pag lumabo ang mga pangarap at pananaw ko? Paano kapag nag-iba na ang ihip ng hangin?

Hindi ko rin alam. Kasi natatakot akong isipin. Kung nagkataon man at hindi naging kami sa huli, hindi na ako maghahanap ng iba. Kasi kapag sinabi kong nagmahal ako, gusto ko nag-iisa lang. Ayoko ng maramihan. Heh heh.

No comments: