REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Monday, March 30, 2009

SIYEHT. ANG PUSO KO...

Sa loob ng isang araw nadurog ng tuluyan ang puso kong bato. Akala ko kakayanin mo lahat ng pagsubok, bakit bumabalik ka na naman sa pagiging malambot? Ano ba ang dapat kong gawin sa iyo, o puso ko?

Heartbreak isyu no.1 WELCOME TO LOSERVILLE.
Bagsak ako sa Literature. Ito ang napapala ng mga taong mapanatag sa mataas na nakuhang prelim grade. Akala mo a. Nahahatak ng finals ang mataas na prelim grade. At balewala rin, kasi kahit anong gawin ko, kahit magmakaawa na ako sa prof at kumapit sa kinalawang na patalim, wala na akong magagawa. Andun na ako sa tuktok e, e may balat pala ng saging sa daan, naapakan ko, at nadulas ako.

Heartbreak isyu no.2 HELLO, HEARTBREAK.
Nasaktan ako ng sobra sa nalaman ko. Let's say, hypothetically, nalilito na ang taong mahal mo. Hindi ko ba alam kung nalilito o naguguluhan. Tipong, hindi lang pala IKAW ang para sa kanya. May IBA pa pala. At hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Totoong buhay pala ito. FACT. FACT you.:)

Tama ba ang ginawa ko sa isyu no.2 na ito: SUPORTAHAN ANG MAHAL KO. At hayaan siya sa pipiliin niya. Kung hindi ako ang para sa kanya, ayos lang. Ito lang naman palagi e: Kung san ka masaya, dun ka. At hahayaan ko siya sa bagay na 'yun. Walang bahid na hinananakit sa side ko, maniwala ka sakin.

Para sa mahal ko, kung babalik ka man sa akin, andito parin ako para sayo. Hihintayin kita.
hih hih. cheesy...


Heartbreak isyu no.3 BROKE.
Wala na akong pera. Ooooh. What a heartbreak.

Ang tatlong malalaking bagay na iyan ang naging dahilan kung bakit lipad ang utak ko at halos 3 beses akong kinausap ng kondoktor sa bus...

Kondoktor: Ne, san ka bababa?
Ako: Ay! Sa Tambo exit po...
Kondoktor: Ayos ka lang ga, ne?
Ako: *nod.


Ito pa ang makulit. Hindi mabuksan ang pintuan sa bus sa buong pagbbyahe namin. Isa lang ang naiiisip ko noong mga sandaling iyon:

"Ayos. Let us all rot in here."

No comments: