REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Saturday, May 16, 2009

GUSTO MO MAGING REPORTER?


SA ULO NG MGA NAGBABAGANG BALITA
PA V.O. NAMAN
OK NA SCRIPT MO?
PAINJES NAMAN...
BRO, NASEND MO NA?
OK NA YUNG GRAPHICS?
PAPRINT NAMAN.
PATYPE NAMAN NG WEATHER...



Ilan lang yan sa mga palagi mong maririnig sa loob ng station sa tv10 Bats. Oo sa tv10 Batangas. At hinding hindi ako nagsisi na doon ko napili na mag-intern. Sulit na sulit naman kasi, tipong nakaJACKPOT ako sa napasukan ko.

"ISANG BATA, NAPADPAD SA IBA'T-IBANG LUGAR SA TIMOG KATAGALUGAN."

Napadpad ako sa mga lugar na hinding-hindi ko pa napupuntahan, yung iba lugar na hindi ko pa naririnig sa tanag buhay ko. 8am ang koltime sa pagnnews gather nila, mas maaga kapag malalayong lugar na, parang sa Quezon o kaya sa Puerto. Kung malate man kami ng konti sa pag-alis, ayos lang. madiskarte mga drivers namin, 200kph magpatakbo, na parang naiiwan ang puso mo. Overtake dito, overtake
diyan. Busina sa mga pulis dito, busina sa mga lto diyan. Palaging may VIP treatment. ABS e. Bakit naman hindi?

"COPS ARE FRIENDS."

Paborito akong utusan nina maam Joan na tumawag sa iba't-ibang pnp station. May isang beses na tinawagan ko halog lahat ng pnp station sa Batangas para lang kumalap ng balita.

ako: Good afternoon, sir. Sa ABS CBN Southern tagalog po ito, Magtatatanong lang po kung may nangyari diyang incident lately?
pulis: Ah negative pa e...
ako: Ah, salamat po..


Boring kapag walang bakbakan, walang balita. Pero ang ironic din kasi, kung iisipin mo, kapag wala ng positive na ibabalita ang pulis, wala rin kaming maiuulat. ang labo.

"IKAW NA ANG MAGSULAT."

Halos tatlong beses na akong pinagsulat ng balita sa TV10. Halos tatlong beses din akong kinilig nung narinig ko na binabasa nila on air ang mga naisulat ko. At maganda pa daw ang pagkakasulat ko. Ganun pala ang pakiramdam ng isang hambog. Tipong pagkatapos ko sa aking trabaho, may karatula na nakasulat sa aking noo: AKO ANG NAGSULAT NG BALITA KANINA.


"MAHAL KA NG CAMERA."

Bukod sa nakuha na ako bilang isang commercial model at nahagip ng camera sa mga balita, nasabi sakin ni maam Tina noon, mag-apply daw ako maging reporter. Ang sagot ko naman hindi ko pa balak sa ngayon. At ngayon ko lang naisip kung gaano ako ka pakipot na tao. Hindi ko pa naman kasi pumasok sa isipan ko ang pagiging isang newscaster.

"Bakit ayaw mo maging reporter?"
"Ee.. Bulol ako."
"Kahit naman sila nabubulol din e?"


Siguro nga bulok ang dahilan ko. Kasi kung tutuusin naman daw maganda ako magsulat ng balita. May mukha naman din daw akong ihaharap sa madla. At siguro konting tiwala sa sarili pa. Yun na lang siguro, pwede na akong sumabak sa ganitong klase ng industriya.

Nagustuhan ko na rin kasi sa industriya na ito e. Natutunan ko ang maging responsable. Magsulat ng naaayon sa mga nakuhang impormasyon. Ang di pagiging bias. Ang pagtingin sa dalawang magkaibang panig. Ang pakikisalamuha sa iba, ang pagkakaroon ng mahabang pasensya. At paghawak at paggamit ng camera. Natutunan ko din kung paano mag-interview. Ang paghahabol sa oras, reporter, mga pulitiko. Nalaman ko na ang mga pulitiko ay namimigay ng pera sa mga media, at ang mabuting media ay hindi kahit kelan tinatanggap ang pera galing sa sira ulong manunuhol.

Higit sa lahat, natutunan ko ang mahalin ang mga tao sa TV10. Southern Tagalog. Amen.

TENKYU:

sir Woodrow Francia-e.p.

Maam Sarita Kare-news anchor

Maam Tina Ganzon-a.p./news reporter

Maam Joan Panopio-news reporter

Sir Michael Cuyugan-news reporter

kuya Jaytot-cameraman/editor/technical director

kuya Aldrin, kuya Drew, kuya Jayson-cameramen/editors

kuya Rolly, kuya Jowell, kuya Will-superdrivers

sir Danny, sir Mark, sir Nollan-t.o.c. fellas

maam Lorie, maam July, maam Jonah, sir Jo, at sa iba pang sales people.:)

DR, Jayson-em0, Arnel, Tado, Archie, Ninay, Nei, Jaq, Wilx, Gab, atbp ojt....

kuya guards! jB, Jaguar, John Llyod!



MUCHAS GRACIAS, MIS AMIGOS! HASTA LA VISTA.:)


paalam. hanggang sa muli.


p.s. pasensya sa typo.:D

3 comments:

Jan said...

Hi Ms. Super Di. This is Kapamilya Jan, a participant in ABS-CBN's TV Patrol 20th anniversary documentary in 2007. Just read your entry--I was amused reading your intern stories there. Why not pursue a career as reporter? Just be true to yourself and boost your confidence--hey, I share the same self-confidence issue with you. I dream of ABS-CBN Batangas being one of ABS-CBN's best regional news teams. I hope you can be part of that team! Kudos to your career!

Jan said...

Hi Ms. Super Di. This is Kapamilya Jan, a participant in ABS-CBN's TV Patrol 20th anniversary documentary in 2007. Just read your entry--I was amused reading your intern stories there. Why not pursue a career as reporter? Just be true to yourself and boost your confidence--hey, I share the same self-confidence issue with you. I dream of ABS-CBN Batangas being one of ABS-CBN's best regional news teams. I hope you can be part of that team! Kudos to your career!

KT said...

SALAMAT, JAN.:D PAGBUTIHAN KO PARA QUALIFIED NA AKO SA INDUSTRIYANG YUN.SALAMAT:)