MAY BAGO NA! OHLALA!
Magiging prangka ako sa iyo, ngayong tumanda na ako hindi na ako nasasabik sa kaarawan ko. Ni wala na nga ito sa planner ko o marka sa kalendaryo ko. Sa ilalim ng Marso 16, blangko. Maliban na lang kung may test o kung anong MAS mahalaga kesa ang alalahanin na kaarawan ko.Posible? Oo, kasi kill joy ako. Pamilya ko nagpahanda pa talaga, mga kaibigan ko magpapalibre pa, sa kuripot pa talaga sila nagpalibre.
Gusto ko masabik ulit ako tulad ng dati. Ano ba naman kasing kaartehan tong dumapo sa akin at nagddrama na naman ako ng ganito. Siguro nagpapapansin lang ako, tipong... "Bertday ko naman, regalo man lang o libre diyan!" Sana pagbigyan MO naman ako. Heh Heh.
Sabi ko sayo wala akong gana. Kaya hanggang dito na lang muna.
*Sa mga bumati kahapon(na napaaga masyado) at sa mga bumati kani-kanina lamang, tats ako. Pinagpuyatan niyo ba talaga ang pagbati na iyon o dahil nagrereview kayo at bored na kayo kaya naisipan niyo akong itext?:) Kung alin man diyan, salamat parin.
*Sa mga di nakaalala pero alam naman talaga, PESTE. TAMPO ako. Yun lang.:)
O sige. Maligayang kaarawan na lang. Sa akin. Fe.
No comments:
Post a Comment