MAY BAGO NA! OHLALA!
Gusto ko kahit isang araw man lang maging on-time ako. At gusto ko kahit isang araw man lang, maging desente ako, manamit ng tama, magmukhang tao. Gusto ko. Kahit isang araw man lang. Unang interview ko kasi ito e.
Iba pala ang pakiramdam. First JOB interview na rin kung maituturing. Sobrang kaba, sobrang nerbyos. Hindi ko naramdaman ito kapag titignan ko ang mga grades ko, kung may bagsak ba o kung may uno. Iba e. Ibang-iba. Pero kahit halos mamutla na ako sa sobrang kaba, ayoko na munang palampasin ang isa na naman na interview. Marami na akong pinalampas, mali, sinayang na pagkakataon.
Mga 3 interview na ang hindi ko sinipot. Ang kapal ng mukha ko. Ako pa ang may ganang magtanong sa mga kumpanya kung pwede isa pang CHANCE. Mali pala ako. Kasi nung tinanong ko na ang tanong na yun, nabadshot na siguro ako.
"Pambihira tong tao na to, feeling vip."
Tarantado talaga ako.
Kaya naman nung huwebes, inihanda ko na ang sarili ko para sa isang napapakahalagang araw na kailangan harapin, kailangan kong kumbinsihin ang tamad kong katawan na bumangon ng maaga, kailangan kong diligin ang utak na tuyo, isang kooperasyon man lang sa aking katawan at sarili. Mahirap na, baka mabobo pa at mablangko kung lipad ang isip ko.
Nakisabay ako sa kaibigan ko na si Astrid, kahit na naligaw ako ng konti sa lugar nila. Napaka-ulyanin ko talagang tao. E halos tatlong beses na akong nakakapunta sa lugar nila, naligaw parin ako. Paano naman kasi, MAG-ISA na lang ako dito. Oo. Parang:
"MAG-ISA KA KT!"
Medyo nalate kami ng konti, kalahati kasalanan ko, kalahati kasalanan ng traffic. Pagdating sa lugar brown-out, buong building. Ayos. Jabar aabutin ko neto. Pero ayos lang, cool naman ang mga tao na umasikaso samin e. Mga bagets pa nga sila, akalain mong parang sila-sila din yung masasalubong mo sa mall at sa mga gimikan, pero iba sila dito. Dahil kapag trabaho, trabaho. Dapat professional.
INTERVIEW PORTION.
Taragis unang sabak ko ito, gigisahin ba ako o ano? Pero ang kulit dahil pinagsabay na kami ng kaibigan ko sa interview. TIME IS GOLD nga naman kasi. Bat ba purong satsat ang gagawin. Kahit na first impressions last, kung sa pagtagal naman ng panahon mo talagang makikilala ang isang tao ng lubusan. Tss.
TELL ME SOmETHING ABOUT YOURSELF.
Patay na, naitanong na ang unang tanong.
HOW ABOUT YOU KT? Ako ba kamo? Naku patay. Nung una nablangko ako.
"Umm... besides the one written in my resume, sir?"
"Yes..."
HOMAYGAS. Sa maniwala ka o hindi Kung ano2 na lang ang nasabi ko nung mga oras na yun. Bakit ba hindi ko pinaghandaan ang mga ganyang tanaong? Akala ko mga simpleng tanong lang e..
"What is your favorite color? Book? Song?..."
Pero nalampasan ko parin. Maraming salamat sa Brain and SELF coordination, salamat talaga. At matapos ang halos 30minuto namin paghihintay sa hatol, ito ang lumabas:
"Ok na kayo sa amin. Kelan niyo ba balak magstart?"
"2nd week of April po..."
"Later na lang!"
Hanep.
BOSS: "Sige, iconfirm niyo na lang kung tuloy kayo ha. Ok na kayo sa amin."
THAT WAS FUCKING SWEET.:) Sure job na ito yea.
No comments:
Post a Comment