Ang maliit na laman na yan, oo yan, yan nasa ilalim ng iyong dibdib. Yan na nga. Ang tumitibok na yan, ang maliit na buhay na yan, paki-ingatan mo yan.
Ayun. Kay halimuyak ng simoy ng hangin. At bakit naman hindi. Rosas dito, Santan doon. Tsokolate dito, harana doon. Ano ba ang meron? Kasi ako wala din akong ideya e.
KT: "Bakit ano nga bang meron bukas?"
Astrid at Nikka: "Valentines!"
KT: "Ay oo nga..."
Astird: "Nalimutan mo talaga?"
Hindi ako sigurado pero oo nga ata, nalimutan ko na araw ng mga puso sa sabado, ngayon. Imposible ba kamo? Posible, para sa ulyanin na katulad ko. Ilang Valentines na rin naman ang nagdaan e. Ilang Valentines na ang nagdaan sa buhay ko na wala naman espeyal na nangyayari. Pagtanggap ng rosas sa Valentines sa loob ng halos 17 taon? Asa.
Oo. Nabibigyan ako ng rosas. Pero bat pag valentines wala?
Di porke at maton akong tao hindi na ako kikiligin sa isang magandang bulaklak na ibibigay sayo ng isang binatilyong gwapo. Sino naman hypocrite ang hindi kikiligin sa ganun? Lahat ng babae, magugustuhan yan. Kahit sabihin pa nila na ayaw nilang makatanggap, wag kayong maniniwala. Alam niyo naman siguro ang salitang PAKIPOT diba? Middle name ng lahat ng babae iyon. Maniwala ka.
Kaya naman. Mas maganda parin talaga para sa mga babae kung hindi na lang sila umasa na makakatanggap sila. Ang pangit naman kasi sa pakiramdam. May mga kaibigan akong mga lalaki noon, hindi man lang nila kami, ang mga kaibigan nilang babae, binigyan ng kahit pinitas na rosas o bulaklak, na kahit sa tabi-tabi man lang. Ang sabi nila sakin baduy daw pag ganun. Bakit naman baduy pag ganun? Kahit isang araw man lang na tratuhin nila kaming mga prinsesa at babae talaga? Baduy na ba yun? E ano naman diba? Kung minsan lang naman e. Lalake talaga. Minsan ka na lang makakakita ng gentleman. Minsan ka na lang makakakita ng malambing. Minsan lang.
PARANG PAG-IBIG. MINSAN LANG.
Kasi minsan lang naman talaga ang pag-ibig. Kaya kapag nasa harap mo na iyan at nagpapapansin, wag ka ng mag-atubili pa na gapusin siya at angkinin. Minsan lang yan e. Pero dapat sa gagawin mo, sa bawat desisyon mo, dapat sigurado ka. Kasi kung pag-ibig din naman ang usapan, dapat totohanan na. At dapat, yung alam mo na magtatagal talaga.
Hindi kasi ako pabor sa mga eksena na tipong, liligawan ng isang lalaki ang babae na hindi niya naman lubusang kilala pa. Ang labo lang kasi sa akin ng ganun. Ayoko ng tipong saka niyo lang makikilala ang isa't-isa habang nagliligawan na. Pasensya na pero ganun ang paningin ko sa buhya pag-ibig. At lalong hindi ako naniniwala na tipong nagsasabi na ng "I love you" kahit hindi pa kayo, kahit nagliligawan pa lang, kahit hindi mo naman talaga mahal ang isang tao. Para bang ang "I love you" na yan e isang bating pangwakas lang ng isang text o ym lang. Ano 'yun? Lokohan?
Di naman kasi ipinapamigay lang ng basta basta ang mga salita na yan sa kung kani-kanino lang. Dapat lang yan para sa taong mahal mo talaga, at espesyal para sa iyo.
"Hi miss. I love you."
-FE.
No comments:
Post a Comment