MAY BAGO NA! OHLALA!
"Bakit ko naman pipitasin ang mansanas sa puno? Kung pwede ko naman hintayin na mahulog na lang ito? O diba. E di hindi na ako napagod!..."
“A lazy person, whatever the talents with which he starts out, have condemned himself to second-rate thoughts, and to second-rate friend." _- Cyrill Conolly.
Kung ang katamaran ay nakamamatay, malamang matagal nang inaagnas ang aking katawan. Kinunsumo na ng sakit ang buong pagkatao ko. Ang mga sintomas ay mapapansin na masyado. Hindi na maitatago pa ang lumalalang sakit na ito. Wala na ring lunas. Walang remedyo.
Hindi na ako gumaling sa sakit ko, noong una hindi ako sanay, pero natutunan ko na rin tanggapin ang katotohanan. At tinanggap ko iyon ng buong puso. Masaya na naman ako kahit papaano. Yun lang, may isa akong pinoproblema, wala tuloy akong mailagay sa resume ko. Tss.
patay na.
Pepwede ba na ipagmalaki ko dun na ako ang pinakamatahimik na bata noong grade school? At sa sobrang tahimik ko hindi ako mahilig magrecite? Pwede ko ba ipagmalaki 'yon? At pwede ko rin ba ipagmalaki na magaling ako magdrowing? At mahilig akong mamigay ng baon kong pagkain? At mabait ako sa aking mga kalaro? At magaling ako magchinese garter, piko, agawan base, tagu-taguan? At para narin akong pulitiko kasi pinamimigay ko ang baon kong pera sa ilan kong kaklase na walang pambili? Pepwede ba yun?
Noong high school. Pepwede ko ba ipagmalaki na mabait PARIN akong bata? Na hindi ako mahilig magbulakbol at hindi mahilig manlalake? Pepwede ba yun? O kaya naman pepwede ko parin bang ipagmalaki na magaling ako magspy at gumawa ng mga excuses? Pepwede rin ba na ako ang paboritong gawin teacher's pet ng isa kong guro kahit na hindi naman ako kasali sa class officers? Pw-pwede ko rin ba sabihin na sa sobrang masunurin kong bata, ako ang ipinagtype ng halos 100 activity at laboratory sheets ng physics teacher namin nung 4th year? Idagdag mo pa, generous akong bata kasi ako na rin ang nagpaprint at bumili ng mga bondpapers.
*At sanay na rin ako sa puyatan, sa bugbog na trabaho kasi ang tagal pala bago gumawa ng mga illustrations sa physics subject noon, halos 1 quarter akong puyat dahil gumawa ako ng mga inuutos ng napakaswerte at sipag kong teacher. Idol.
Ngayong college. Ngayong college. Patay na tayo diyan. Kasi tamad parin ako. At may sariling gusto. I LIVE TO DEFY, ika nga. Pero kahit na ganito, natututo ako. Ang bawat kalokohan ko, nagrereflect din ako. Hindi natatapos ang araw ko ng wala akong natutunan na bago sa takbo ng magulo kong pag-iisip. Bakit ko ba nagawa iyon? Anung kahibangan na naman ang naisipan ko?
Pepwede ko bang sabihin na ngayon ko lang natutunan kung gaano kahalaga ang pag-aaral? Na hindi ko natutunan noong bata ako at noong high school pa. Pepwede ko ba ipagmahili na ngayon lang ako naging independent at naging matibay sa dami ng perwisyo na pinagdaanan ko. MATIBAY PO AKO! MATIBAY! At pepwede ko po ba ipagmahili na ngayon ko lang natutunan ang pagiging isang responsableng tao matapos bumagsak ng ilang beses, na hindi ko naranasan noong Grade school at high school. Kaya naman idol na idol ko si naruto:
"Iba ako sayo Neji, kasi ikaw, hindi mo naranasan ang bumagsak..."
Naalala ko noong grade school ako, sabi sakin ng isa kong teacher, ako daw ang pinakaresponsableng bata na naging estudyante niya. Hindi ko alam kung bakit niya nasabi yon at sa harap pa ng iba kong mga kaklase. Kung makikita ko man siya ngayon baka bigla niya na lang lunukin ang mga sinabi niya sa akin. O hindi rin, matawa siya sandali at magiging proud parin sa akin. Siya lang ang nagsabi ng ganun sa akin. Syempre masaya ako. At alam ko totoo yun. Kasi alam ko, kahit kelan, wala pa akong nilalaglag sa mga kaklase ko, sa kagrupo ko, sa mga kaibigan ko. Sarili ko lang siguro. Pero ayos lang. Ako naman to e. Sabi nga ni Juday:
"Laban ko ito... Kung matalo man ako wala sayo ang kahihiyan! Nasa akin! Mag-isa akong lalaban, mag-isa akong matatalo o mananalo!"
"Pwede na ho ba yan, wala na ako masabi e. Tanggap na ho ba ako?..."
"The lower you fall, the higher you'll fly..."
No comments:
Post a Comment