REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Sunday, January 18, 2009

AWAY BA ANG HANAP MO?


MAY BAGO NA! OHLALA!


Ano gusto mo ng away? Ha? Ha? Hahahaha!


Biro lang yan. Di naman ako palaaway ngayon. Noong bata siguro. Kasi parang tomboy pa ako noon. Ay hindi lang parang, tomboy talaga, noon. Noon. Hindi na ngayon. Kasi parang ngayon medyo bumabalik e. Medyo lang naman. Hey, I fight when I am provoked. At anak ng tipaklong, naprovoke nga ako! Haha.


Ayan sa kakapromote ko ng mga blog entries ko may nagreact ng todo-todo. Todo-todo kasi. Sobra naman. O.A.

Ang tanda ko kasi sa mga bulletin ko na ikinagalit niya e, ang nilalaman e:

"Kung ano2 na lang ang ipinagsasabi... dito na lang oh...
http://akongapalasitanga.blogspot.com/ ... Ayos ba?"

Ayun. Nagbulletin na kaagad siya kasunod ng sa akin. Magtataka pa ba ako na hindi ako ang pariringgan niya? Natamaan ba siya dahil ang mga bulletin niya ay purong mga P.M.? Personal messages. I repeat, personal messages na dapat personal lang dapat? Naku. E hindi ko naman siya tinatabla e. Tsk. What a misunderstanding.

Sana nabasa niyo siya ng ayos. At naliwanagan kayo. Hindi ko naman inaasahan na ganyan ang magiging sagot niya sa kakabulletin ko ng site ko. Nakulitan lang ata siya o ano. Malay ko? Ang laki naman ata ng galit niya sa akin. Partida di kami close. Di kami close para awayin niya ako ng ganun. Hanep.

Nang mabasa ko yan I kept my cool. Coolangot. Tama na ako sa ganyan. Ayoko na ng ganyan. Nakakapraning lang kaya. Ayoko naman lumebel sa ganyan? Ang ginawa ko kinausap ko siya via frenster at tinanong kung may nakakaoffend man akong sinabi para magreact siya ng... ehem... OBER? As in OBER REACTION. OBER sa RESPONSE. And this is the fucking response that I'll get? Aw. Come on, mamon.

Oo. Inaamin ko. Mahangin ako. Dahil may pagkakaiba sa pagigng mahangin at mayabang. Mayabang ka kapag nagsasabi ka ng mga bagay-bagay na inaakala mo meron ka, yun pala e wala ka. Mahangin ka kapag may mga bagay-bagay na meron ka, at ipingamamalaki mo pa. Mahangin nga ako. Oh, lahat ng gawa ko pinagmamalaki ko. At lahat ng gawa ko may katuturan.

Kung hindi mo man magustuhan ang mga sinusulat ko, walang kaso yun. OPINYON mo naman yan. At hindi ko ginagawa ang lahat ng to para sa yo. Gagawa ako dahil gusto ko, at gusto NILA ang gawa ko. Hindi tanga ang tao. Kung saan ka masaya, dun ka. Kung sino ang nambabagsak sayo, wag mo pansinin. Hayaan mong palibutan ka nga mga tao na tutulong sayo at hindi yung mamumula sayo.

Gusto ko ang ginagawa ko. Pabayaan mo na muna ako. Kasi hindi naman kita pinapakialaman sa gusto mo. Ayos ba tayo?:)

That is all, I thank you. And peace be wtih you, JUDy*.

*totoong pangalan binago.

2 comments:

KabutE said...

Isa lang masasabi ko sa mga ganyang nangengealam ng may buhay ng may buhay...



INSECUUURE!



haha! okay ba yun? pabayaan mo sya.. inggit lang yun, baka kasi sya, hindi sya makapag speak out sa buong bayan sa mga gusto nyang sabihin^_^

Anonymous said...

i second emotion!