MAY BAGO NA! OHLALA!
At bakit naman mamamatay ang pag-ibig? Diba? Hindi kailanman. Nasa paligid ang pag-ibig, totoo. :)
At ito ang sasabihin ko sa iyo, masaya kapag ikaw ay inlab. Sinong umaangal? Magsalita na ngayon din at baka mabara lang kita. Bakit mo sasabihin na hindi masaya ang buhay kapag ikaw ay umiibig? Mali. Baka hindi ka lang masaya nung nawala sayo ang pag-ibig. Kita mo ang pagkakaiba?
E ano kung kumplikado ang buhay pag-ibig? Kung susundin mo naman ang mahal mo sa buhay? Kung sasaya ka naman pag nakikita mo siya, nakakasama? E ano kung magastos ang pag-ibig? Oo magastos nga, sa kuripot kong ito ay nagiging generous akong tao dahil sa pag-ibig. See? For the betterment of the people. :)) E ano naman kung may sakit sa dulo? Sa umpisa? Sa proseso? Alangan naman wala na diba? Ano ka sineswerte?
Masaya nga naman ang single. Ang saya-saya ko noon. Pero mas masaya kapag umiibig na. Ewan ko ha, pero ako sumasaya na lang bigla kapag iniisip ko siya. Instant. Walang gastos. Anong magastos dun. aber?:) Mas lamang parin ang kasiyahan. At walang pera ang makakatumbas dun, sa saya. Diba?
Malulungkot na lang ako isang araw kapag nawala sa akin ang pag-ibig na iyon. Saka na ako papait. O papakla.
Kaya pag-ibig, wag ka munang mawawala a.
1 comment:
teeheehee....
inlab na inlab ka ah...yey
eto, kung gusto mo sbhan mo xa ng ganito
"Make me immortal with your kiss"
hwahihihihi...yiheeeeeeeee
Post a Comment