REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Friday, December 5, 2008

TRAYDOR YOU.

MAY BAGO NA! OHLALA!

Tae. Putek. Puta. Punyeta. Tae. Bakit purong maduduming bagay ang lumalabas sa bibig ko ngayon? May kadahilanan lahat ng maduduming pananalita, dahil na rin sa ilang napakaduduming bagay. Isa isahin natin, mga tae.

Unang tae. Wala sa akin ang ID ko. Bagong pagawa pa naman yun. Wala pang gasgas. Wala pang kamuwang muwang. Wala na, wala na sa akin. Wag kayong magtataka kung bakit napaka laking bagay sa akin ng id ko. Subukan niyo kaya ang halos dalawang linggo nang walang ID. Subukan niyo kaya ang ilang beses na pagtatangka na tumakas, lumusot at masungitan ng mga guardya sa building. Akala niyo madali? Hindi niyo pa kasi nasususbukan.

Pangalawang tae. Naiinis ako sa kabobohan ng ilang tao sa mundo. Kabobohan at katangahan. Pinagsama. Siguro dahil na rin sa sobrang talino nila hindi na nila alam kung ano ang common sense.

*Deva bawal magpahiram ng 2 laptop sa isang seksyon? Huwag nilang sisihin ang estudyante dahil sa unang lugar naman sila ang may unang pagkakamali. Ang umpisa ng lahat ng ito ay sa kanila rin.

Pang-tatlong tae
. Naiinis ako dahil duwag ako. Duwag at hindi ko maipagtanggol ang sarili ko. Duwag dahil napangunahan ako ng takot at lungkot sa pagpapaliwanag ng mga bagay-bagay dahil napangunahan akong sabihan ng pagiging hindi responsable na third year. Naiinis ako dahil kung bungangaan ako ng mga nasa taas, daig niya pa ang diyos na alam ang lahat ng nangyari. Palibhasa may kapangyarihan. Palibhasa estudyante lang ako. Palibhasa IRESPONSABLE lang daw ako.

Wala na akong makitang tae. Sa lahat ng napagdaanan ko na 'to, nagpapasalamat ako sa lahat ng aking mga TUNAY na kaibigan, sa mga tumulong sa akin.
Kilala niyo na kunbg sino kayo, pero kung hindi man pwes binabati ko sina;

Dormmates salmat dahil handa kayo rumesback sakin. Ol da taym.
Astrid, Cams, Gelai, Nikka, Bj, salmat sa pagsama sa akin nung hinahanting ko si Baaarrr.:)
Joyce, Maggi, salamat din sa pagsama. Di ako galit sa inyo.:D KAMPI TAYO TATLO.:D
Chuch, Gi Endrada, Ser Jogs. YIII. Salamat sa pagtulong sakin.:D Salamat ng marami.
Tere, Salamat nung umiyak ako sinabi mo: "Kt, ok lang yan."
Paolo, salamat sa pangungumusta sa akin palagi tungkol sa insidente.
* sa nanlilibre sa akin nung badtrip ako.
* sa nagbigay ng impormasyon sa akin.
LEEROU, Salamat ng marami.:D Handa ka rin rumesbak sa lahat ng oras. Laging handa. Ikaw ang boy scout ng buhay ko. Ayiii.

At yung mga itinuring ko na kaibigan na hindi pala. Akala ko kabigan ko kayo. Ni pangungumusta hindi niyo nagawa. Hanep. At kung sino pa yung akala mo mapagkakatiwalaan mo at tutulong sayo, sa ikalulutas ng punyetang problema na kinahaharap ko, SILA PA YUNG MAGTTRAYDOR SAYO.
BOOOOOOOOOOOOO. MAKARMA SANA KAYO. TAE.:D

No comments: