MAY BAGO NA! OHLALA!
Nilalangaw na ang site ko. Paano kasi nilalangaw na rin ang career ko. Matagal-tagal na rin. Wala akong matinong makwento. Kung may maikkwento man ako sigurado akong hindi niyo rin pagkakainetresan na basahin, simulan niyo mang silipin isasara niyo rin kaagad.
Kaya may naisip na akong paksa para sa aking isusulat. Tungkol na lang sa bagong taon. Bagong taon, bagong buhay. Ayos ba? Kung pangit pagtiyagaan mo na munang basahin. Sabaw na rin ang utak ko e gusto ko lang magkwento. Kahit di kagandahan. At kahit hindi ka naman interesado.
Malas ang 2008 para sa mga year of the horse. Kaya naman ang 2009 ay swerte na sa kanila. Naku po sana nga, minalas kahit papaano ang 2008 ko. Minalas. Yun na yun.
Sana magbago na ako. Marami ang nakapansin na nagbago daw ako. Malay ko kung ano ang pinagbago ko, pero mukhang ang pangit. I've changed for the worse, KUNO.
E eto naman ang nasabi ko. Tanggap niyo pa naman siguro ako?
Hindi naman kasi magbabago ang tao kung hindi rin naman sa mga pinagdadaanan nila. O sige. Sabihin mo sa akin. Bakit nagiging adik ang mga tao? Bakit nagddroga ang iba? Bakit nagrerebelde ang ilang mga sutil na anak? Bakit napapabarkada ang iba sa masasama? Bakit nagbabago ang ilang tao? Bakit nag-iiba sila ng takbo ng buhay?
May dahilan naman lahat ng iyon. Lahat naman ng nangyayari may dahilan. Halimbawa na lamang, kapag may nagtanong sayo na " Bakit ka umiyak?" "Masaya ka ba?" " "Bakit mo pinatay?"... Lahat ng iyan may sagot, may dahilan.
At titigil na ako sa pagpapaikot ng paksa. Ang punto ko kasi nagbabago naman lahat ng tao. Lahat tayo. Hitsura pa lang nagbabago na. Ugali pa kaya? Hindi naman pwedeng ang ugali mo noong pitong taong gulang ay kapareho parin sa ugali mo ngayong labing pitong taong gulang ka na. Ang sagwa naman kung magiisip bata ka pa rin diba.
Yun lamang, sana nagbago at nagbabago tayong lahat para sa ikabubuti natin. At masama lang, nagbago DAW ako para sa ikasasagwa ko. Este, ikasasama pala. Ayun pala yun. Kaya naman pala may mga biglang nawala na lang sa paligid ko, yung ilang mga kaibigan, kaibigan daw. At yung iba nandiyan parin. Solid. Frends for life. Tanggap na tanggap ako. At tinutulungan ako na mapabuti. Hindi yun sermon lang ng sermon. Daig pa ang pari sa isang simbahan. Dahil ayoko sa lahat ay sinesermonan ako na parang insulto pa ang dating. Kasi ang sarap nilang sagutin na...
"SIGE LANG. MAMULA KA PA! PERPEKTO KA AH! PWET MO!"
Kaya naman aayusin ko na kahit papaano ang sarili ko. At sa ILAN kong tunay na kaibigan, kapit lang a.
Sa darating na 2009 swerte daw ang mga taong ipinanganak sa taon ng mga kabayo. Sana swertehin nga ako.
No comments:
Post a Comment