MAY BAGO NA! OHLALA!
Sabi nga nila, hindi nabibili ang pag-ibig, ang kaso lang, malaki-laki ang masasakripisyo mo o kaya ay ang mababayad mo dito.
“…E bat ako? Puso ko pinamimigay ko na? Tawa!
Ang totoo naaawa na ako sa puso ko. Palagi na lang siyang nasasaktan. Palagi na lang siya napapagod. Palagi na lang siya nagdurugo.
Ang aking maliit at napakabuting puso. Konting sakit na lang ipapamigay ko na siya. Pero hanggang sa ngayon, palagi ko na lang sinasabi sa kanya, na wag siyang mag-alala. Hindi pa rin naman ako handang humiwalay sa kanya. Pasasayahin ko na muna siya.
Pasasayahin ko na muna siya hanggang sa maging manhid na siya at tumigil na sa kakaiyak. Hanggang sa makita ko siyang masaya at ang iba naman ang saktan niya. Salbahe na kung salbahe. Now is our chance, ika nga.
Patatatagin na muna kita, munti kong puso. Hanggang sa hindi ka na durugin ng kung ano pang lungkot dito sa mundo. Hanggang sa malampasan mo ang mga punyemas na sakit, mabalewala mo man lang ang mga iyon. Sasaya na ako.
At ito, pangako ko sayo, aking puso. Ihahanap kita ng taong handang magpagaling ng mga sugat mo. Sugat na napakatagal bago gumaling, sugat na nakamarka na, kahit kelan di mabubura.
Kung may balak kang hingin ang aking puso, sa iyo na muna siya. Ipapahiram ko muna siya sayo. Baka sakali sayo siya na sumaya…”
1 comment:
kung pwede nga lang yun gawin sana akin na lang ang puso mo.
Post a Comment