MAY BAGO NA! OHLALA!
ISANG NAKAKABAGOT NA HAPON, MAY NAGTANONG SAKIN...
asteg...haha...teka, magdadagdag ako ng konting tanong ah..
"Totoo ba ako? Totoo ka ba? Totoo ba ang nakikita ko? E ang nakikita mo, totoo ba? Paano kung isa lang itong panaginip at hindi pa tayo nagigising? Paano natin malalaman ang isang bagay na totoo ito? Kapag ba nakikita ng iyong mga mata, naririnig ng iyong mga tenga, nahahawakan ng iyong mga palad, nalalasahan ng iyong dila, o naaamoy ng iyong ilong? E ang mga hindi nakikita, hindi ba totoo? Ano ang totoo, ang nakikita o ang hindi nakikita? Ano ang katunayan na totoo ang mga ito? Kung panaginip lang ang lahat ng ito, paano tayo magigising? Sino ang gigising sa atin? Kailan tayo magigising? "
eheheh...existentialism kumbaga..ehehe
...
Narinig ko na rin ang katanungan na iyan sa isa ko pang kaibigan. Andoyman, salamat sa iyong komento sa aking naunang blog.
Ang una kong sagot sa tanong na iyan ay tipong ganito... "Kung masaya ka man sa mga nangyayari, ituring mo na lang na panaginip ang lahat. Pero kung hindi naman, hintayin mo na lang na may gumising sayo sa iyong bangungot."
At hanggang sa ngayon iyan parin ang maisasagot ko sa tanong. Hindi ko rin alam ang taman kasagutan. At kung may tama nga na sagot, sino naman ba ang makakaalam? Tao rin kaya?
Ang tanging alam ko kasi ay ang eksistensyalismo ay hindi maipapaliwanag ng kung sino man. Hindi nito maipapaliwanag kung bakit nga ba tayo nabubuhay? Bakit ngayon? Kung pwede naman na isang taon na lang? Bakit ako nandito? Bakit sa Pinas pa ako pinanganak? Bakit hindi na lang sa Japan? Para cool. Bakit ako naging babae? Bakit hindi na lang lalaki? Bakit matanong ako?
Bakit pa nila sinasabi na may laya ka naman. May freewill ka? E kung ang pagkakapamnganak sayo hindi mo naman pinili o ginusto. At bakit naman hindi mo gugustuhin na pinanganak ka sa mundo? Napansin mo ba kung gaano ako kagulong tao?\
Pero ito ang sagot ko sayo. Masaya naman talaga mabuhay.
Bakit ka magiging emo? Kung napakasakit ng nararamdaman mo? Buti nga ang at nakakaramdam tayong mga tao. Eh ang mga bagay at inanimate objects, paano? Manhid hanggang sa kaloob-looban nito.
Bakit mo gugustuhin na mamatay na lang dahil sa maling takbo ng buhay mo? Kung may panahon at pagkakataon pa naman na baguhin ang mga ito? Sabihin na natin na binasted ka ng syota mo pero isang lingon mo lang sa tabi may makikita ka ng mga tao, at isa sa mga taong iyon, pwedeng isa sa mga taong iyon ay handang-handa na damayan ka at pagalingin ang punyemas na sakit na nararamdaman ng iyong puso.
Bakit mo naisip na sumuko? Bakit hindi ka na lang lumaban at magtapang-tapangan?
Bakit walang katapusan ang mga tanong ko?
...
...
No comments:
Post a Comment