MAY BAGO NA! OHLALA!
Positibo akong tao. Alam ko yun. Nasa buto ko na ata 'yun. At masayahin din akong tao. Alam ko yun. Mahahalata naman kasi bungisngis din akong tao. ALL TOGETHER NOW: WACKY! Kaya lang pinanganak akong may mataray na itsura, suplada. Pero hindi totoo yun. Narinig mo na naman siguro ang kasabihan na looks can be very deceiving? Totoo naman yun. At sigurado ako na narinig mo na rin ang kasabihan na "Do not judge a book by its cover." At yung nauso naman na spoof na "Do not judge my brother/mother.father/sister/friend/foe. He/she is not a book." Ahh... Never mind.
Matanong ko nga sa iyo, may totoo bang basehan dito sa mundo? Halimbawa na lamang, kung maganda ang isang tao o hindi? Kung in siya o hindi? Kung mabuti siya o hindi? Kung nanggagaya lang siya? Kung ikinahihiya niya ang sarili niya o hindi? Oo o hindi? Tama o mali? To be or not to be?
Unang tanong. Maganda ka ba o hindi?
Kung iyan itatanong sakin isa lang ang sasabihin ko: Hindi ako maganda. Cute lang ako. Walang halong biro. Kasi may basehan na ng pagiging magnda o hindi e. At wala akong problema dun sa mga basehan na yun. Walang perpekto sakin. Pango ang ilong, maliit, mataba... May nakita na ba kayong modelo na ganyan? Wala pa diba? Malay natin, ako ng ang una. Ayos lang. Pango kung pango, cute parin naman.
Pangalawang tanong. In ka ba o hindi?
Sa tingin ko hindi. At hindi ko na inaalala kung in man ako o hindi. Kasi paano ko ba masasabi na in ako? Kapag naka skinny jeans na ako tulad nila at suot ko na yung nauusong sapatos o relo sa kasalukuyan? Ay hindi na lang. Out na ako. At walang kaso yun. Mas gugustuhin ko ang maging kumportable sa kung ano ang meron ako. At kung ano ang gusto ko talaga. Hindi yung makikiuso at makikigaya pa. Tss.
Pangatlong tanong. Mabuti ka ba o hindi.
May ilan na magsasabi na mabuti ako. May ilan din naman na hindi. Pero ito ang sigurado at alam ko, alam ko ng buong puso ko. Mabuti akong tao. Hindi joketime ito, pare ko.
Tama ba o mali?
Paano ko malalaman ang tama? Paano ko malalaman ang mali?
1 comment:
asteg...haha...teka, magdadagdag ako ng konting tanong ah..
""
Totoo ba ako? Totoo ka ba? Totoo ba ang nakikita ko? E ang nakikita mo, totoo ba? Paano kung isa lang itong panaginip at hindi pa tayo nagigising? Paano natin malalaman ang isang bagay na totoo ito? Kapag ba nakikita ng iyong mga mata, naririnig ng iyong mga tenga, nahahawakan ng iyong mga palad, nalalasahan ng iyong dila, o naaamoy ng iyong ilong? E ang mga hindi nakikita, hindi ba totoo? Ano ang totoo, ang nakikita o ang hindi nakikita? Ano ang katunayan na totoo ang mga ito? Kung panaginip lang ang lahat ng ito, paano tayo magigising? Sino ang gigising sa atin? Kailan tayo magigising?
""
eheheh...existentialism kumbaga..ehehe
Post a Comment