REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Wednesday, October 15, 2008

TEXTMATE KAYO DIYAN!

MAY BAGO NA! OHLALA!

HAAAYYY MISS, CAN YOU BE MY TEXTMATE?

Sabi nila talk is cheap. Sabi naman ng iba importante ang komunikasyon. Oo nga. Pero bakit talk is cheap? Dahil uso na ba ang text? Y.M.? Pen pal? Pen pal? May ganun pa ba ngayon?
Natatandaan ko. Noong high School wala pa akong cellular. Buong high school. At natatandaan ko din na noong 4th year high school nauso ang "Unlimited texting." Hindi ko alam kung sino ang nagpauso, smart, sun, o globe. Teka, diba may addict mobile pa nga? Asan na yun ngayon? Sikretong network lang ba yun ngayon para sa isang sikretong samahan? Gaya kunwari na lang ng frat, o kaya ay ng mga tiwaling opisyal ng bayan? Pwes mga adik nga sila.

At bumalik tayo sa kwento ko. Noong 4th year hish school ako nauso na nga ang unlimited texting. At simula din noon ay nagdadala na ang mga ka-eskwela ko ng kani-kanilang mga cellular. Napaka laos ko talaga. At wala akong pakealam pa noon. Kasi naman nakakatuwa ang mga ka-eskwela ko noon.


friend: "Saya talaga may unli na!"
ako: "Wan to sawa na text?"
friend: "Oo! Kaya nga unli!" *wahahahahaha
ako: "Ah..."


Natanong ko sa sarili ko noon, palagi ba nilang tinetext ang mga magulang nila?

ako: "Close niyo ng nanay mo, ah, ah. Nakakasawa naman iyon?"
friend: "Hindi lang naman siya ang katext ko. Kainaman ka! Kung sino2!"

Ah. Kung sino2. At diyan na rin nauso ang textmates. Ayun. Textmate kayo diyan. Yung mga tipong makikita mo sa dulong pahina ng mga songhits, banyo, upuan ng bus, pader, poste, kung saan2 na pwedeng masulatan... "BE MY TXTMATES!" Mahahalata mo pa minsan ang maling grammar. Patawa.


Nakakatuwa lang kasi habang abala ang mga kabarkada ko sa pagtetext nila ay sobrang O.P. ako. Olags sa phone. Sobra. At hindi ko talaga lubos na maisip kung bakit sila addict. Heh heh. Naaalala ko pa noon na halos masiraan na ng utak ang kaklase kong may negosyo ng paloadan dahil tinatakasan siya ng mga umuutang ng LOAD sa kanya. Patawa talaga.

At nakaaliw lang kasi may stereotyping na rin sa mga networks ngayon. Globe ay para sa mga kabataan, hippie. Smart sa mga adults, business man/woman. T.M. para sa mga trabahador, masisipag. Sun para sa mga mag-syota, para 24/7 ang pakikipagkominikasyon, para mahuli ang mga taksil. Addict para sa mga tialing opisyal at mga kurakot. Adik.


Lahat ng sim nasubukan ko na maliban lang sa addict. Easy come easy go kasi. Para kasi sa mga, kurakot. No offense, PGMA at Ate Vi.:D

Pero syempre. Naranasan ko naman ang magkaroon ng cellular phone. Ang totoo nagkaroon naman ako. Sa awa ng aking ama. At naranasan ko na rin naman ang magkaroon ng katext. Bukod sa mga magulang ko, naging katext ko na rin ang aking mga kaibigan, nobyo at ilang mga kamag-anak. Naranasan ko naman ang magkaroon ng malaking halaga ng load, mangutang para lang magkaload, at naranasan ko na rin ang zero balance na load sa halos isang linggo. Matindi.
Naranasan ko na rin ang mawrong send, nakawan ng load, mamigay ng load, at walang hiyain ang balance inquiry.


ako: "tae."
Bal. Inq.: "Your account balance as of... blah blah blah."


Napakagalang.

So what is my point? My point is that...

ehem. Ang punto ko ay, kahit papaano naman pala ay hindi parin ako abnormal na bata. Kasi naranasan ko rin naman kung ano yung nauuso. Yun lang huli na, kung baga ngayon ko lang nalaman ang kantang Samson ni Regina Spektor kahit na dati pa siya nauuso. Halos isang taon na.


E ano naman. Hindi naman ako nakikihabol sa uso. Nahuhuli nga ako. Papahuli na lang ako. deva?

No comments: