REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Monday, October 13, 2008

BURAOT.

MAY BAGO NA! OHLALA!


Oh boy, tito Boy. Ano na naman ba ang pwede kong pagkaabalahan ngayong sembreak? Bukod sa maging all around you're-such-a-loooser YAYA ako, bukod sa magpatay ng oras at magsulat ng isang walang kwentang blog. Ano pa ba ang kailangan kong gawin?

Kailangan. Kailangan ba talaga? Wala naman pala. Kasi kung kailangan. Diba at dapat ang mga iyon ay ang mag-aral, matulog, maligo, kumain sa oras, magdasal, maging mabait na bata. Lahat yan kailangan. Kaya ginagawa. Ano ba ang hindi kailangan?

Ang mga gusto kong gawin ngayong sembreak. Oye. Buraot days here it comes. Yahu.

Una, gusto ko ang magbasa. Madami na akong nakolekta na babasahin. Babasahin. Dyaryo, libro, napunit na pahina ng magasin, kung ano-ano. Gusto na ulit ang magbasa. At ayoko na munang basahin ang mga lecture notes at mga required readings dahil hindi naman naaaliw ang aking sarili. Ginagawa ko lang kasi iyong mga iyon dahil KAILANGAN.

Pangalawa, gusto ko ang magpahinga. Matulog ng wan tu sawa. Matulog sa hapo at sa gabi. Mahimbing na tulog. Yung tipong masaya ang araw bukas dahil walang exams. Yahu.

Pangatlo, gusto ko ang magpataba. Kasi napupuna ng ibang may mapupunang mata na pumapayat na daw ako. O Hindi ito maari Lagari. Ayokong maging isang lapmpayatot sa paningin ng iba. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit karamihan sa mga tao ngayon ay gustong magpapapayat. Kulang na lang ay hindi sila kumain sa oras, nagdDIEt. . Masarap kaya ang mga pagkain. Hibang ba sila? Maappeal ba talaga ang maging mapayat? Kaya ba naging sikat si Palito? Kung maappeal sila sa iba, pwes sa akin hindi. Tapos ang usapan.

Pang-apat, gusto ko ang maging tambay na muna sa bahay. Ayos lang naman siguro na ganito muna. Buraot. Minsan lang naman to. Magdamag na walang ginagawa.

Wala na akong magawa. Wala na rin akong masabi. Yahu!

No comments: