REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Saturday, October 18, 2008

LAB?

MAY BAGO NA! OHLALA!

Alam mo ba ang salitang pag-ibig? May konting kaalaman ako sa salitang pag-ibig. Pwede ba naman ang wala akong alam sa salitang iyon, pag-ibig? May konting kaalaman ako. Konti lang. Noong una akala ko sapat na ang mga nalalaman ko. Hanggang sa narinig ko ang magkwento ang isang bisita ng tatay ko, isang kaibigan. Kasalukuyang naririto sa aming tahanan, para magkwento ng kanyang kwentong-pagibig. Lablife. Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon. May mapupulot kasi tayong aral sa kinekwento niya. Pansin niyo ba ang aking pagiging chismosa?


Bandang alas tres ng hapon, sharp. Dumating ang kaibigan ng tatay ko para sa isang konting kwentuhan. Nakakaaliw lang dahil sa pagkekwentuhan nila ay nauwi ang kanilang kwentuhan sa kwento ng pag-ibig ng kaibigan ng tatay ko.

Tatay: "Pare, kumusta naman ba ang asawa mo?"

Kaibigan: "Aba'y maayos lang. mahirap din..."

At nauwi na ang kwemtuhan sa kanyang ex..

Kaibigan: "...pare, yung lugar banda dun, taga dun ang ex ko."

Tatay: "O? Ex? Ba't ganun?"

Kaibigan: "Bay di ko rin alam eh! Biruin mong 6 years na kami ay hindi parin e..." *tsk


6 years na. Kahit gaano pala katagal ang pagsasamahan, pwede rin matapos sa wala? Nauwi sa wala? Mali nga. Hindi basehan ang oras. Kahit gaano katagal, kung hindi kayo. Hindi talaga kayo. Pero bakit ganun? Hindi ba at napakasakit nun?

Kung sabagay. Marami na akong nasaksihan na pag-iibigan na nauwi lang sa wala. Mga nagtagal at natapos na lang ng bigla. Meron pa nga nakatagal ng halos isang linggo lang. Parang lokohan lang kung ituring. At may alam din naman ako natipong ikakasal na, saka pa naghiwalay. E ano pa ba ang nakakagulat? Sa ngayon nga marami na ang mag-asawa ang naghihiwalay. Mag nobyo pa kaya?



Nakakagulat lang at hindi nagtatagal ang ganun katagal. Naniniwala pa naman ako sa matagal na samahan. At hakakaaliw na ang magkwento ang kaibigan ng tatay ko sa kanyang nakatuluyan.


Kaibigan: "At are namang misis ko, aba'y galit nga sakin ang kamag-anak niya eh..."

Tatay: "Bakit naman?"

Kaibigan: "Aba'y biglaan naman kasi. May syota nga nung naging kami e!"

Tatay: "Hah hah! Panu yun?!"

Kaibigan: "Abay sabi ko, pakaksalan ko sa kanya, pakaksalan ko siya, pag di pumayag ang magulang niya, itatanan ko siya, pag pumayag abay sa simbahan!"

Tatay: "O ngayon. panu na yung syota niya noon."

Kaibigan: "Abay nung nakita namin ay may panganay na kami e!"

...

Uncertain. Sigurado ka na ba sa lahat? Talaga sigurado ka na kayo na talaga? Kung ako ang tatanungin mo siguro hindi pa.

No comments: