REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Thursday, October 30, 2008

PESTENG MGA BALITA YAN.

MAY BAGO NA! OHLALA!
Ang sarap manood ng balita ngayon, diba? Isipin mo. Purong malulutong na balita. Sa inaraw araw ng tanang buhay ko, ngayon lang ako nasusuka sa mga balita na napapanood ko sa telebisyon. Bagsak ng ekonomiya. Sa kabilang banda nakawan. Sa likod mo puros gera at away. Sa harap mo kahibangan. At kung titingnan mo ang loob mo, kalungkutan. Sino ba naman ang di malulungkot sa mga nangyayari sa bansa natin ngayon?

Narinig mo na ba yung balita tungkol sa pangengealam ng simbahan ukol sa mga isyu ng bansa? At alam mo rin ba na gusto na nila ang palitan ang gobyerno natin ngayon? At narinig mo na rin siguro ang pagsasawalang bahala ng palasyo sa panawagan nila. Sabi pa ng palasyo, hindi na sila papaapekto sa mga ganung uri ng panawagan. Bakit? Dahil sawa na sila. Dahil patay malisya na sila sa mga kalokohan nila. At naiinis lang ako sa mga patutsaada at plataporma nila, sa pagdadahilan nila sa mga bagay bagay. Ni hindi ko nga maintindihan ang mga sinasabi nila Purong ingles. Sarap batuhin ng chisberger na panis.


Narinig mo na rin ba yung talamak na nakawan sa pondo ng bayan? Oo. Ang nakawan na tipong PATAY TAYO DIYAN. Dela paz, tiba tiba sa halos 7milyon. Bakit nga naman siya magdadala ng ganung kalaking halaga gayung nagretiro na naman siya?

DELAPAZ: "ummm... Ipapang shopping ko sana e?"

At narinig mo na naman siguro yung sa fertilizer fund scam. Jocjoc, jocjoc. Bakit mo naman nagawang magnakaw ng ganung kalaking halaga? Teka. Joc, good acting skills nga pala. Kasi pagkarating na pagkarating niya dito sa Pinas ay nakakaawa siyang pagmasdan. Hirap at halos nabawasan ng timbang. Siguro hindi lang timbang ang nawala sayo. Ang respeto ko sayo nawala na rin. Sorry.


ROLLBACK. Rollback ng presyo ng gasolina, matinding rollback to. Hindi lang basta-basta piso ang nabawas. Humigit kumulang 5piso. At bukas tataas na naman yan ng halos 10piso. Wala rin. Balik sa normal na pamumuhay.

Ilan lang yan sa mga balita na nakakaantig ng puso at kaluluwa. May ilan pa na malala. Patayan. Aksidente. Patayan. Awayan. Sabunutan. Sabungan. Kahibangan. Chikahan. Bukas o kaya sa makalawa mas malala pa kaya ang mga balita na mapapanood ko o maririnig ko man lang sa tabi tabi? Ay hindi pala. Kasi kung maririnig ko sa tabi tabi ay hindi balita yun. Purong chismisan lang ang maririnig ko. WAG NAMAN HO SANA TAYONG PAPAHULI SA BALITA.

Idagdag mo pa sa nakakalungkot ay ang isang tulad ko na biglang nagkaroon ng pansin sa mga nangyayari sa bayan natin. Hindi na ako nahuhuli. May oras na ang buhay ko. Oo nga pala. Nagkaroon na kasi ako ng relo.

No comments: