MAY BAGO NA! OHLALA!
Sabado. Bandang 5.30pm. Napagpasyahan ko na manood na lang ng tv.
Binuhay ko ang t.v., kinuha ang remote, nilipat sa dos ang channel. Bakbakan. FPJ. Nilipat sa syete ang channel. Wish ko lang.
Tay: "Teka, dyan muna... Wish ko lang pala e."
Programa na tumutulong sa mga nangangailangan. Pero hulaan mo kung sino naman ngayon ang tutulungan nila. Dating artista. Dating sexy star. Pamela Ortiz ang pangalan nya. Pamilyar ba? Dating artista. Dating mayaman. Ngayon, naghihikahos na.
Showbiz.
At ano naman ang masasabi ko sa showbiz? One word: Pathetic...
Sabi ng dating sexy star na si Pamela Ortiz, masaya naman daw ang pag-aartista, may halong lungkot din. Di nya daw makakalimutan ang adventure. Adventure daw. Pwe. Gusto kong sabihn sa kanya... "Look what that fucking adventure brought you and your miserable life!"
Sabi niya pa, di daw siya nagsisisi sa ginawa nya. Ewan ko tinutukoy nya siguro dito ang pagpasok niya sa showbiz. Sino ba namang tao ang magsisisi kung limpak limpak na pera ang makukuha mo sa iyong trabaho? Pero kung ganung klase ng trabaho ba? Gagawin mo? Kung mawala ang respeto mo sa sarili mo? Gagawin mo ba? Kung limpak limpak na pera ang kapalit, mawawala naman ang dignidad mo, magsusugal ka parin ba?
LINGGO. 5pm
Nay: "Kat, buhayin mo ang tv. THE BUZZ na ata..."
Showbiz.
Iniinterview si Priscilla. Tinatanong kung ano ang pakiramdam niya nung siya ang evicted.
Pinatay ko ang tv. Puchang gala naman kasi. Ano ba naman klaseng tanong yan? Sabihin na natin na namatayan ako ng pinakamamahal kong aso, tapos may newscaster na nagtanong sakin...
"ANO ANG NARARAMDAMAN MO???"
Hibang devah? What the bloody hell do they expect me to say?
"Ahm... masaya ako. Ngayong wala na si Pulgoso, ahmmm... I'm sooooo happy..."
Gaguhan e. Naalala ko si Karen Davilla. Kamamatay lang ni Rico Yan. Tapos nilapitan niya ang kapatid nito na si Bobby Yan... Sabay itinanong ang pinaka syit na tanong...
"ANO ANG NARARAMDAMAN MO???"
TINAMAAN NG KUNAT!
May protocol ba talaga siya bilang isang magaling na reporter? Nakakapagduda. Hehe. Ikaw, sagutin mo ang tanong ko. What the hell is wrong in media nowadays?
No comments:
Post a Comment