REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Sunday, November 2, 2008

BABAY NA.

MAY BAGO NA! OHLALA!

Pasukan na bukas. Pasukan na nila. Amin sa miercoles pa. Ito, matagal pa bago lumubog sa katauhan ko. Ang aking masasayang araw ay tapos na. Wala na. Ende.

Yayakapin ko na ang panibagong pagsubok. Lalasapin ko na ang mga tagumpay at ang pagiging talunan sa isang bagay. Ang mga nakakatakot na deadlines at due dates. Ang katapusan, ang kaartehan. Ang pasukan. Bow.

Lahat ng nakakapagod. Research dito, test doon. Homework dito, termpapers doon. Kain dito, tae doon. Puyat dito, adik doon. At ano naman ang saya na madudulot ng lahat ng paghihirap ko na ito? Ang pagtatapos sa hinayupak na paghihirap. Ang tamis ng tagumpay.

Pero parang ang bilis nga naman ng bakasyon. Na kung iisipin kong mabuti ay tatlong linggo din pala iyon. Halos isang buwan din. Wala man akong masyadong pinagkaabalahan. Hindi nauso ang dvd marathon sakin, hindi rin ako lumalalabas ng bahay. Wala naman akong trabaho, ay meron pala. katulong nga pala ako samin. Ang tanging nagawa ko lamang na makabuluhan ay ang magbasa ng kung ano-ano. At nag magsulat ng kung ano-ano. At pinapabasa sa kung kani-kanino.

Kung iisipin mo nakakabagot ang bakasyon ko. Para sabihin ko sa iyo, masaya na ako kahit ganun lang iyon. DUMB-O DAYS kung tawagin ko iyon. Walang iniisip. Hindi ko na masyadong pinapagana ang aking utak. Nirerelak ko muna siya. Bakit kamo? Kasi sa susunod na semestre, patayan na ulit.

Bakit ba? Masaya naman ako sa pagiging isang batugan. Kahit minsan lang. O hindi rin?


No comments: