REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Monday, October 20, 2008

MI CALIFICACIONES LECHE.

MAY BAGO NA! OHLALA!


Kalat na ang mga bali-balita. Pwede na ang tignan ang kani-kaniyang grades sa e-leap. Oo. Panahon na para harapin ang katotohanan. Pwes hindi ako takot sa katotohanan. Dahil palalayain ako nito!

Panahon na para puriin ang sarili, pasalamatan ang dapat pasalamatan, sisihinin ang kung sino man ang sisihin. Pero mali naman. Kasi di naman dapat nagsisisihan.

Kanina pang 6pm pwedeng tignan sa e-leap namin ang mga grades. Titignan ko na sana kaagad ang sa akin. But I hesitated. Hala. Patay tayo diyan. bigla akong nag ingles! Pinipilit ako ng iba. “Sige na! Tignan mo na!” Pero ayoko pa. Mamaya na pagkatapos kong namnamin ang mga sandali. At marining ang mga bali-balita ng iba. Hindi ko alam pero hindi ako kinakabahan. Sinasabi ko naman sa inyo diba? Mayabang akong tao. Simula noon hanggang ngayon. Nasabi ko na rin ba na sinugaling din ako?

Bago ko tignan ang aking mga grades aalalahanin ko lang ang aking mga kalokohan at mga kaayusan noong first semester.
Apat na ang major namin. TV Prod. Scriptwriting. Socio communication. At Advertising principles.

Walang problema ang Tv prod namin, ang tv prod ko. Ang totoo masaya ako sa subject na yun. Naging alipin, naging lider, inutusan, gumawa ng utos, nagbigay ng ideya, nasigawan, nanigaw. Maging talent at alipin. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Lahat. Pero masaya. Ito lang kasi yun, nakahalubilo ko ang aking mga kaklase. At masaya maging audioman. Napaka memorable talaga maging audioman. Nakasalalay sayo ang volume ng buong show. Astig.

Scriptwriting. Ayos lang. Napanood ko na rin sa wakas ang E.T. at Tuesdays with Morrie. At wala akong iniyakan sa dalawa. May kilala nga ako na umiyak ng sobra habang nanonood kami. Uyy. Tats sila. Noong una excited ako sa subject na to. Iniisip ko kasi hindi ako mahihirapan dito. Scriptwriting. Tss. barbero ako e. Pero hindi. Matindi ito. Daig pa ang PGC mo.

Socio comm. Sa una masisindak ka. At sa huli masisindak ka parin. Lalo na ngayon hindi ko pa alam ang grade ko. Ang alam ko kasi mabababa ang mga nakukuha ko dito. Pag ako pumasa dito bibilib ako sa sarili ko.

Advertising Principles. Masaya rin ito. Kasi palging group work. At palaging may maasahan. Pasensya na sa mga naging ka grupo ko. Palagi talaga akong nahuhuli kapag may mga deadlines. Sakit ko na ata talaga iyon.
Iba pang mga subjects: Filipino. Pasa yan. Spanish. Yo soy guapa. Magaling ang prof namin sa Spanish. Kahit na babagsakin ako marami akong natututnan sa kanya. Sayang lang at di ko na siya magiging prof. Pero, pasa yan. Literature. Pasa yan. Makata ata ako! Ah teka. Experimental Psych. Pasa yan. Adviser namin ang prof dun e. Kita mo na ang bias? At isa pa, inalagaan ko naman ang aming mga hamsters dun.

Sa kabuuan tamad ako nung first sem. Ah hindi. Tamad ako sa lahat. Buong college. Hindi ko maintindihan kung bakit tamad ako ngayong college. Dati rati naman napakasipag kong bata. *suka. Maaasahan mo sa lahat ng pagkakataon. Responsable. Pawang kabakigtaran na lang ata ngayon. Hindi ko talaga maintindihan.

Tingin mo. Papasa kaya ako kapag pinagpatuloy ko ang maganda kong gawain? Pagkatapos kong ipost ito titignan ko na ang mga grades ko. At pagkatapos patay na ako neto.

Babalitaan ko kayo. Yo soy triste y estoy nerviosa. Adios!

No comments: