REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Monday, September 17, 2012

LALAKI, BADING, AT BUHAY PAG-IBIG.

MAY BAGO NA! OHLALA!

Sisimulan ko sa pagsabing ang blog na 'to ay para sa mga totoong lalaki at bakla. At sa pagiging magkapareho ng ilang bakla at totoong lalaki. At nais kong sabihin na ang blog na 'to ay para din sa mga lalaking manloloko. Ergo, boys, and gays, this one's for you. Beso beso para sa mga bakla, apir sa mga totoong lalaki, at sapak sa mga chicboy-kulang pa yan para sa mga kalokohang ginawa niyo. Si Judas na bahala sa mga kaluluwa niyo bwahahahaha!


Gay-ness:
adj.

1. Showing or characterized by being indecisive and insensitive
2. Cowardice or playing safe
3. Of portraying to being disloyal, and lying

Examples: Cheaters, Chicboys, Dishonest men,


Man:

noun

1. Adult male, distinguished from a boy or a female
2. Characteristics: Loyal/truthful/brave/smart

Examples: Gays, True lovers, You the man, man!


Dalawang isyu lang gusto ko ikwento sa blog ko na 'to. Kwento kasi base sa mga totoong nangyari sa buhay ko. Kwento ng bading, kwento ng lalaki, vice-versa.

Malapit ako sa bading, malapit din ako sa mga lalaking barkada, minsan narin sa mga lalaking loko-loko pa. Lalaking  galit sa bading, lalaking tanggap ang bading, bading na daig pa ang lalaki sa ibang bagay, bading na umiibig sa lalaki. Gulong ng palad.

BADING

Simula grade school hanggang sa nagtatrabaho na ako, may mga kaibigan akong bading. Di ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa mga bading, bukod kasi sa nakakatuwa sila, mas nahahawaan nila akong maging maarte kesa sa ilan kong kaibigang babae. At mataas ang respeto ko sa mga bading, kahit sinong bading pa yan, naka-duster man o naka-tie, isang hamak na komedyante man o isang successful sa ibang larangan, mataas ang respeto ko sa kanila. Dahil yung pagkakataon pa lang na naging totoo sila sa kanilang sarili, dapat lang bigyan na sila ng respeto. Eh sa favorite nila ang neon colors o printed jeggins o magsuot ng pekeng pilikmata, kiber nyo ba?

At hindi ko masikmura yung ilang mga tao na kinakahiya sila o minamaliit ang mga bading, o ang pagiging bading, isyu ng bading. Parang sinabi na din nila na hindi pa nila tanggap ang nangyayari sa henerasyon ngayon, samantalang telepono nga na may wifi tanggap na nila. Kasi alam ko mga anak lang yan ng impokrito at impokrita, utak butiki at flawless masyado, makatingin sa sarili nila akala mo napakabuting tao. 

LALAKI

Palagay ko mas applicable ang salitang "bading" para sa ilang lalaki. Bading dahil sa kanilang panloloko, bading dahil sila ay duwag, at bading dahil wala silang respeto sa kapwa. *Pansinin ang aking aura ng pagkamuhi sa mga lalaking manloloko.

At para naman sa mga lalaking manloloko, hindi ko na alam kung may magpapabago pa sa mga kilos o gawain niyo. Iniisip ko rin na sana may babaeng dumating sa buhay niyo para makapagpabago ng pananaw niyo sa buhay panggagantso. Pero hindi na hawak ng mga babae yun, kasi kung gusto niyong magbago, simulan niyo na sa sarili niyo, kahit walang tulong ng kung sino, kasi ano pa hinihintay niyo, pasko? Muling pagkabuhay nino, ng pagiging totoong lalaki niyo? 

Ayoko na din tanggapin ang dahilan na karamihan sa mga lalaki, natural na mahilig sa MGA babae, plural form na yan a, pano, di kasi marunong yung iba sa 1 is to 1. Eh kung yun lang din ang kaso, eh di sige, kaming mga babae, manlalalaki narin, pero di naman namin gagawin yan syempre, paano, mabait at loyal kaya ang iba samin. Hihihi. Hello, ring a bell? Magpakatino na kayo, chicboys!

Highblood at kulo ng dugo lang din kasi ang inaabot ko lalo kung manggagaling pa sa mga lalaking manloloko ang pangutngutya nila sa bading, akala mo nagpapaka-lalaki pero, pwera bastos at walang halong malisya, wala namang bayag at prinsipyong makikita, ni sa katititing ng mga testosterone nila. Hihihi. Mga bwiset! Ay sorry, nadala lang. 


BUHAY PAG-IBIG

Sa buhay pag-ibig napakaswerte na ng ilang lalaki, at napakamalas ng ilang bading. 

Kasi ang ibang bading, bago pa matanggap ng lipunan, bago pa mapansin ng kanyang crush, titignan muna yung pagiging alanganin ng kanyang kasarian, sabay kutya. 

Samantalang yung ilang swerteng lalaki, magmamahal na nga lang ng ibang babae, nakukuha parin manloko at tumingin sa iba. 

At unti-unti, tinatanggap na ng lipunan ang mga taeng dahilan na dahil lalaki nga naman, ayos lang tumingin sa madaming chica babes, na dahil lalaki nga naman, ayos lang makipaglandian ng konti habang may nobya, na ayos lang magkaroon ng kabit, kahit may asawa na. Palibhasa...

Kaya saludo ako sa mga bading na totoo, at tunay kung umibig! Lalaking matipuno at may respeto sa kapwa. At para sa mga lalaking babading-bading sa buhay, nah, umayos na kayo, balita ko kasi mabilis ang karma. Hihi

Onga, kung matinong lalaki ka naman, di ka naman tatamaan sa sulat ko na 'to. Apir! Sa mga natamaan, ika nga, bato-bato sa langit, ang tamaan, manahimik na lang sa tabi at mangumpisal.


INNERPEACEY'ALL v(-_-)v






No comments: