Huy, blogspot! Nagbalik rant na naman ako, trying hard to be conyo, para sa mga tagabasa ko na taga-TATE, this blog is semi-dedicated por yu all *kisses kisses* ! (Para sa mga di nakakaalam o baguhan, kinakausap ko talaga ang blogspot ko, na parang totoo syang tao! My blogspot's waving hello, kaway naman kayo dyan! :))
Simple lang.
Minsan hindi ko maintindihan kung bakit may mga simpleng bagay na nagagawang kumplikado ng mga tao. Parang ang simpleng inodoro na de-buhos, na naging matik na ngayon. Tingin niyo cool? Tingin ko coolangot. Kulang na lang may lalabas na de robot na kamay para punasan at tapusin ang mala-nirvana mong pagbabawas ng sama ng loob, saksi ang 4 na sulok na kwarto. HEAVEEEEEN. Pero isang malaking kalokohan, eh sa bukid nga walang papel e, kiskis na lang sa pilapil. Buhay!
Hightech, pre.
May trabaho pa ba ang mga mailman ngayon? Wala lang. Uso na text pOes Ehh..! Uso na rin ang i-like ka ng taong hindi mo kilala, o mag-comment sa mga pagmumura at paglalagay mo ng mga lyrics ng kanta. Minsan nga nauso pa gawing icon ang huni ng ibon para sabihin ang iyong mga hinanaing, hiling, at masamang panalagin(ito like ko!). Pero madalas naman, kahit mga kaibigan ko hindi ko rin nakakausap sa mga sosyal na networking sites na 'to. Kaya balewala lang ang pag-gamit nito, para lang siguro:
-macheck ang mga kuro-kuro ng mga tao
-ano kaya "in" sa mundo?
-anong damit na ang uso?
-san kaya napadpad si ano?
-musta na kaya ang crush ko?
-syet! Single na si ano!
Sobrang sikat na ni ano. Yun lang masasabi ko.
Kaya kaninang umaga, pakiramdam ko ang mga bagay at luho sa mundo, minamanipula na ako. Ayan tuloy naiwan ko cellular phone ko, o nawawala lang siguro. Share lang! Kaya today I feel... disconnected, offline, ehmo, daming arteng alam. Bwahahahaha! Ah di ko alam kung paano tatapusin 'tong blog. Kaya ganito na lang bigla nalang mawawa
INNERPEACEY'ALL v(-_-)v
No comments:
Post a Comment