REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Friday, March 25, 2011

ENVIRONMENTALIST FREAK



MAY BAGO NA! OHLALA!
MAY BAGO NA! OHLALA!

Take note, patugtugin ang music sa video habang bibanasa ang blog, para mas ma-feel. :))

Halos isang taon na din kasi akong hindi nakakapagsulat dito. No, I'm not abandoning you, blogspot. Not yet. Not now. Pero isa lang naman ang sigurado, masaya naman ang buhay ko, at medyo abala lang sa ilang mga bagay.

Nasa level 2 na. Mabait pa naman ang 2011 sa akin. Bagong taon, bagong trabaho, bagong kakilala, bagong oportunidad, bagong sapatos. So far, so very good.

Dumami na ang drafts ko dito, mga sulatin na hindi ko matapos-tapos sa hindi ko maunawaang dahilan. Mga kwentong paulit-ulit na lang at nakakarindi na sa tenga, nakakaantok na mga mata, nakakasura na ang itsura. Pag may oras ako pipilitin kong tapusin ang ilang nakatambak na sulatin. Panga.. Ayoko na lang pala mamako.

At ang blog entry na 'to isa sa mga lightbulb moment ko. Biglaan. At may passion ako para tapusin, at iparating at ipabasa sa lahat ng pepwedeng makabasa.

Mga masugid kong tagapagbasa, ang inyong ambisyosang manunulat ay nagbabalik silya na-in her bagong gising look, puruntong shorts and an old PE shirt. Back in monkey business.

Isang ispesyal at maselan na topic ang gusto kong isulat sa ngayon: tungkol sa Mother Earth.

Simple ways on how I help save mother Earth:

1. I don't use straws on fast food chains.

2. I don't litter. Ever.

3. I switch off the lights, when not in use. I even secretly* switch the lights off in our office's hallway. *Sorry, building's admin.

4. I only use 1-2 timba(mas maaksaya shower, boys and girls) of water when taking a bath. Excuse me to the maarte fellas out there. Fosho.

5. I turn off my computer during lunch breaks, I shut it down when not in use. And I try to limit my usage for just 4-6 hrs-a day.

6. I use Ecobags when doing the grocery, and shopping. Oh wait, hindi pala ako nagsshopping. Heh heh

7. I recycle scratch papers, sa opisina man o sa bahay.

8. I promote this kind of advocacy by taking random chances, thru texts, thru my tweets, thru FB. Pathetic? Don't care. I'm doing for a greater cause-to save lives. Hanep naman.


Hindi man ako spesyalista sa Syensya at Agham, isang importanteng bagay lang naman ang alam ko tungkol sa ating mundo-na kelangan natin itong alagaan. At ang realidad na tinatamasa niya ngayon: Ang unti-unting pagkasira niya. Di mo ga nakikita?

Pinoy henyong feelingero man ako magsalita sa paningin ng iba ngayon, pero para sa iyong impormasyon, napaka BASIC to the nth power na ng sinasabi kong pag-alaga sa mundo natin ngayon. Ignorante na lang ang mga taong hindi alam ang tungkulin nilang pag-alaga sa mundo natin, at balahura, stupido, tarantado, bwiset at tanga na lang ang mga taong hindi alam na unti-unting nasisira na ang mundo natin ngayon.

Kasi anak ng tinapa nga naman oh: Have you ever been this clueless your entire life? Totoo pala talaga na napapa-english ka kapag galit ka. Conyo time y'all.

Umaakyat kasi ang dugo ko sa mga taong biglang tapon ng kalat dito, biglang aksaya ng tubig doon, biglang babad sa mga computer nila nang hindi man lang nag-iisip, kung may isip man lang sila, at kung wala, o kay sarap sermonan na:

1. Pare, may tinatawag tayong basurahan kung saan dun mo itinatapon ang iyong kalat. *sabay sapak*

2. Pare, every drop of water counts. *May napulot ako sa tagline ng shell. Credits sa Shell*

3. Pare, wag ka na mag-ani dyan sa computer. Naglolokohan ba tayo o ano? Itayo mo ang mataba mong pwet dyan at mag-ani ka sa totoong buhay.

4. Pare, sa simpleng paraan lang ng di paggamit ng plastik, ilang buhay na ang maliligtas mo. Seryoso.


I am not harsh. I'm just telling the truth. At marami na nga ang bulag sa katotohanan ngayon. Hanggang kelan ang pagiging bulag niyo?

Kapag nakita niyo na--na nilalamon na tayo ng tsunami?

Kapag nakita niyo na ang pagguho ng mga establisyemento sa mga siyudad?

Kapag wala ka ng matikman na malinis na tubig?

Kapag wala ka ng makitang berde sa kagubatan, sa kapaligiran, maliban na lang sa mga utak ng makikitid mong kababayan?


Mukha nga. Bulag ka pa sa realidad. Parang yung antipara mong kulay itim. Panangga sa init at realidad na pilit pinapakita sayo ng mundo.

Sige, pwede mo na ulit isuot ang shades mo, at sobrang init na sa labas.


INNERPEACEY'ALL!v(-_-)v

1 comment:

andoyman said...

nakakabilib ka naman! idol na kita yey!!! kung magkaletse-letse naman daw ang pilipinas e tatakbo na lang ke willie, papaawa, sisirko, hihingi ng pera, okay na hahahaha lintik.