REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Thursday, October 21, 2010

KTBOY

MAY BAGO NA! OHLALA!


Tambak na trabaho, umaapaw at lampas sa linya na. Halos 1 buwan na akong nasa bagong posisyon at hanggang ngayon nangangapa parin ako. Hindi pa din sanay. Newbie. Freshgirl, pagkat ako'y isang babae. Dating Lalaki.

Sana nga naging lalaki na lang ako. At kung lalaki man ako, pucha, ang pogi. Pero kung lalaki man ako, hindi ako gagaya sa kahit na sino, manchix o mangloko, iibig ako ng totoo walang halong panggogoyo. Biological lang naman ang pagiging babae ko e. Kase kahit ako duda kung ano ba talaga ang kasarian ko. At humingi ako ng tulong sa identity crisis kong ito.

...

Totoo bang lalaki si KT?

Hmmm..

Hmmm..

Hmmm..

Isang masusing pag-aaral ukol sa chismis na lalaki daw talaga si KT. (ako)

HYPOTHESIS:
Si KT ay nagbabalat-kayong babae. Isa siyang lalaki.

DATA GATHERING:
1. Hindi mahilig sa Pink.

2. Maton maglakad.

3. Brusko magsalita.

4. Walang mini-skirt. Pwe.

5. Hiyang magsuot ng sleeveless. Hooo.

6. Hindi marunong gumamit ng make-up.

saleslady ng careline: "Try na po kayo ng maskara namin ms!"
KT: "Meron ba kayo nung power ranger na maskara?"
saleslady: *nagulumihanan*


7. Nang-aaway ng mga tambay.

8. Rumeresbak sa mga nambabastos.

tambay: "Pssst! Sexy!"
KT: "GAGO!" *sabay takbo ng matulin

---

tambay: "Hi miss!"
KT: *Panuntok gesture*

9. Lumalambeng sa irog.


CONCLUSION:
Kapansin-pansin nga ang pagiging brusko ni KT pagdating sa kanyang mga kinikilos, makikita parin na babaeng-babae parin siya base sa datus numero 9. Ergo, si KT ay 80% lalake at 20% babae.

...

SPLASHDASH 101:

1. Hey soul sister is the song that should be dedicated for me, today. For my soul's wandering, and slacking off.

2. I want to disappear in this world, asap, pronto. Leave everything behi... except my money. Wahahaha!

3. Breakfast and Lunch are foreign to me lately. Dinner's all I know. I refuse to eat without a company. ARTE ARTE.

4. I miss Riiko. Cause I am living in a material world, and I am a material girl/boy. Haha!

5. "You make me happy, whether you know it or not."

...

INNERPEACEY'ALL!v(-_-)v

No comments: