MAY BAGO NA! OHLALA!
Gusto ko lang mag-blog ngayon kasi humigit-kumulang isang buwan na akong hindi naglalagay ng panibagong kwento dito. Hindi naman kailangan, ang totoo dapat mas inuuna ko ang aking takdang aralin galing trabaho. Oh hindi ka nagkakamali sa iyong pagbabasa, sige ayos lang, balikan mo ang naunang pangungusap, may trabaho na nga ako. Kung ano at saan, sikreto na muna pare ko. Highly confidential. Heh heh.
Konting bagay lang naman ang pinagkakaabalahan ko sa ngayon, ang pagtatapos ng blog entry na ito, ang pagkain ng kamote, ang pakikinig sa malalakas na patak ng ulan, at ang pagtitig sa mga larawan ng isang tao.
Halos 20 menutos na ang naaksaya ko sa kahibangan na ito. Ipagpatawad mo, sadya kasing napakagwapo mo. Hanggang dito na lang muna ang pagpupuri ko sa iyo, kasi hindi mo din naman pinapansin at papansinin ang mga papuri kong "Ang gwapo mo...", bagkus tinatarayan mo lang ako at walang komento ang pagsasagot mo. Ang tarush.
And then I figured it out, scorpios hate flattery. Oh.
INNERPEACEY'ALL!v(-_-)v
No comments:
Post a Comment